Kabanata 68

1.2K 32 1
                                    

"Zach!" pangigising ko sa kaniya. Tanghaling tapat na kasi tulog pa. Marami pa kaya kaming dapat na ayusin para bukas.

"Hmmm?" sagot niya pero nakapikit pa rin.

"Ayaw mong gumising? Sige, ipapacancel ko na lang ang kasal!" sigaw ko.

"Damn, girl!" agad itong bumalikwas sa kama. Dali-daling bumaba at lumapit sa akin.

"What do you want me to do?" inis na tanong niya kaya tinaasan ko ng kilay.

"Naiinis ka? You can go back to sleep. Let's just cancel the wedding."

"Sinong nagsabing naiinis ako? Hindi ah, tuwang tuwa nga ako o. Hahahaha!"

"Abnormal." Iling ko.


Sa totoo lang, wala naman na kaming kailangang ayusin pa dahil may mga nag-aasikaso na ng lahat. I just want to double check everything.


"Where's Zake at Zia?" tanong ko kay Zach nang nasa salas na kami.

"Sabay tayong bumaba, 'di ba? Tapos sa akin mo itatanong?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Ah! Baka nasa labas lang, baby. Hehe."

"Ts." Hindi ko na talaga alam kung nasisiraan na ng bait itong si Zach.

"Good morning, Moma and Dada!" kumaripas ng takbo ang dalawa palapit sa amin. Pero ang mga mata ko'y nakapukol sa kamay nilang magkahawak.


Weird.


"Hindi na kayo magkaaway?" nagtatakang tanong ko kay Zia na nakangiti.

"Yes, Moma. We're okay now." Ipinakita pa niya ang kamay nila, as if hindi ko pa napapansin.

"Really? How?" ang alam ko kasi, hindi pa rin sila magkasundo kagabi.

"We t-talked." Namula ang pisngi niya. Si Zake nama'y hindi makatingin sa akin.

"Based on your looks, hindi lang kayo nag-usap. Just make sure na hindi kayo naghalikan or what! Talagang babaliin ko 'yang leeg niyo. Wala pa kayong isang taon, humaharot na kayo?" kay Zach naman bumaling ang atensyon ko. Namutla tuloy ang dalawa.

"Ano bang pinagpuputok ng butsi mo riyan? Para kang tanga! Anong halik halik ang pinagsasabi mo? As if maghalikan ang mga---"

"S-sorry, Moma, Dada..." iyak ng dalawa.

"What the f*ck?" sabay na pagmumura namin ni Zach.

"What's happening here? Bakit umiiyak ang baby ko?" mabilis na dinaluhan ni Mama si Zia.

"Hey, bakit niyo pinaiyak ang mga bata?" maging si Zake ay niyakap na rin niya.

"They k-kissed." Wala sa sariling saad namin.

"W-what?" akala ko'y tulad namin siyang magugulat dahil bata pa sila ngunit nagkamali ako.

"OMG! May boyfriend na ang anak ko? Paano kayo naghalikan? How it feels?" excited niyang tanong kay Zia na namumula na naman.

"What the f*ck..." muli na naman naming saad ni Zach.


Hinila na lang ako ni Zach palayo roon.


"I can't believe this!" 'saka lang ako nagtatalak nang nasa loob na kami ng kotse.

"Hindi ako papayag na ganun din kaagang lalandi ang kambal natin. Kezia! Hindi ako papayag!" talak din niya. Iyon lang ang ginawa naming dalawa hanggang makarating sa venue na pagdadarausan ng reception.


Naabutan namin sina Tyrelle at Caleb na magkahawak kamay na nagmamasid sa paligid.


Naalala ko ang pag-uusap namin ni Tyrelle kagabi.

"How dare you! Hindi mo sinabing kayo na pala ni Caleb."

"Duhh! Bago pa lang kami, Kezia. At paano ko isisingit iyon kung ang daming ganap sa buhay mo?" irap niya sa akin.

"Wait... akala ko may something kayo nung sumundo sa'yo sa coffee shop noong nag-usap tayo?" kumunot ang noo niya, 'tila iniisip kung sino iyon. Ngunit bigla itong tumawa ng malakas.

"Yuck! Bakla iyon. Kaya lang naman lumalapit sa akin dahil may gusto siya kay Caleb. Lagi kasing tumatambay si Caleb sa opisina ko noon."


"Hey, lovers!" bati ko kaya agad silang napabitaw sa kamay ng isa't-isa.

"Kezia/ Maureen!" sabay nilang bati.

"How's everything?"

"Fine. Tapos na ang designs. Naglilinis na lang sila." Tinanguan ko sila't nakahinga ng maluwag.

"Anyway, Kezia. I'm just wondering. Anong ipapangalan mo sa mga inaanak ko?" nagkatinginan kami ni Zach sa tanong ni Tyrelle.

"Zakaira Janelle Kiz for girl." Sabi kong may nakapaskil na ngiti sa labi.

"And, Kiel Jaynelle Zech for boy." Hindi rin mapigilang hindi ngumiti ni Zach.

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Where stories live. Discover now