Kabanata 35

1.4K 41 0
                                    

"Kezia, please." May yumakap sa aking likod habang nakayuko pa rin sa mesa, si Zach.

"Umalis ka na." Sagot ko sa gitna ng aking hikbi.

"I'm sorry, I didn't mean to hurt you. I don't want to lose you anymore." Umiiyak na rin ito sa aking balikat kaya mas lalo akong naiyak.

"Zach, pagod na ako. Umuwi ka na."

"I can't. Let's fix this first." Humigpit ang yakap nito.

"Ano pa bang aayusin natin? Besides, wala namang tayo." Kumawala ako sa kaniya, pinilit kong tumayo kahit na hilung-hilo na ako dahil sa dami ng nainom.

"Bubuhatin na kita," agad kong iniharang ang aking kamay sa harap niya upang harangan ito.

"No, no! I can handle myself. Stay away from me." Iwinagayway ko pa ang aking kamay.

"Please, hindi ko kayang mawala ka pang muli sa akin." Lumaki ang aking mga mata nang bigla itong lumuhod sa harap ko't niyakap ang aking mga binti habang humahagulgol.

"A-ano ba!" ang atensyon ng mga tao'y nasa amin na dahil sa eksena ni Zach.

"Huwag mo akong iiwan." Tumingala ito and I stilled when I saw his face. Puno ito ng pagsusumamo.

"Tumayo ka na riyan, mag-usap tayo sa bahay." Malamig kong saad sa kaniya ngunit medyo nabuhayan ang mukha nito. Tumayo siya't inayos ang sarili.

"Kaya mo bang maglakad?" malambing niyang wika't binabalak na buhatin ako.

"Oo." Nauna na akong naglakad sa kaniya ngunit wala pang isang minuto'y muntik na akong matumba kung hindi niya lamang ako nahawakan.

"Hindi ka na talaga nakikinig sa akin," buntong hininga nito bago ako binuhat, hindi na ako nagmatigas pa dahil umiikot ang aking paningin.

"Kaysa namang maging uto-uto ako sa'yo." Pikit-matang saad ko ngunit buntong hininga lamang ang isinagot nito sa akin.


Nakatulog ako sa buong biyahe, nagising na lamang nang maramdamang inihiga niya ako sa malambot na kama.


"Bakit nandito tayo?" takang tanong ko nang mapansing nasa condo niya kami.

"Hindi tayo makakapag-usap ng maayos kapag nasa bahay niyo tayo. Naroon si Zake, huwag kang mag-alala nagpaalam na ako kina Mama at Papa." Hinubad nito ang pangtaas na damit saka umupo sa gilid ko.

"Nahihilo ka pa?" inayos niya ang aking buhok na nakatabing sa aking mukha. Maamo na muli ang kaniyang mga mata, 'tila naninimbang.

"Hindi na," matalim ko siyang tinitigan.

"Hinahanap tayo ni Zake." Pag-iiba niya ng usapan habang marahang hinahaplos ang aking pisngi pababa sa aking labi.

"Akala ko ba, nagpaalam ka na?"

"Yah. Nag-explain naman ako sa kaniya. He told me na dapat umuwi tayo bukas." May munting ngiti ang nakapaskil sa labi nito.

"Kezia, I'm really sorry." Biglang saad nito makalipas ang ilang minutong pananahimik.

"Sorry, paulit-ulit na sorry." Mapait akong ngumiti, naiiyak na naman ako!

"Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?" umupo ito ng tuwid at pinagkatitigan ako.

"Explain." Umupo na rin ako upang magpantay ang tingin namin.


Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita, "Marami ang nangyari simula nang umalis ka." Panimula nito.


"Hindi natuloy ang kasal namin dahil hindi ako pumayag. That's why, hindi ibinigay sa akin ni Daddy ang kumpanyang mamanahin ko sana. Pero okay lang, kaya kong magsimula sa ibaba. Galit sila sa akin hanggang ngayon dahil hindi na-close ang deal mula sa pamilya ni Heidi. But I don't care, pinalaki nila akong may galit kay Mommy, na Mommy mo na rin ngayon. All my life, naniwala akong masama siyang ina, na iniwan niya kami ni Daddy dahil ayaw niya sa amin, hindi niya kami mahal." Nakangisi itong umiiling ngunit halata sa mga mata niya ang pait.

"Anyway, umiiyak si Heidi nang makita mo kaming magkayakap. Huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko sa'yo, buntis siya." Halos tumigil ang pagtibok ng aking puso.

"D-don't tell me, i-ikaw ang ama?" nanghihina kong tanong.

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Where stories live. Discover now