Prologue

74.8K 1.3K 100
                                    

USA

Five years ago.

Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko at huminga ng malalim.

Tama nga ang matandang si Mr. Olivier, niloloko lang ako ng anak niya, pinaglalaruan lang ako at higit sa lahat hindi niya ako totoong mahal. Dahil nakita ko na ang lahat ng prowebang iyon.

Shit. Bakit ako nagpaniwala sa lalaking iyon? Lahat pala ng ginawa niya para sa akin ay pawang kalokohan lamang, paanong hindi ko iyon nahalata? Ganon ko nalang ba siya kamahal para maging bulag sa lahat? Na kahit anong sabihin nila tungkol sa kanya ay nagawa ko pa ring balewalain iyon?

Gusto ko siyang sampalin, sakalin, gusto ko siyang saktan. Paano niya ako nagawang lokohin? 

Ang sakit sakit, akala ko totoo na ang lahat. Akala ko I will finally experiece to feel the love that lasts being with him. Pero nagkamali ako.

Sino ba naman ako para mahalin niya? Isa lang naman akong item sa isang auction na nabili niya.

Pero kahit na ano mang isipin ko, bakit... bakit parang hindi ko ata magawang iwan siya? Tatanggapin ko lahat ng sakit, okay lang na magsimula kami ulit huwag lang akong lumayo sa kanya.

I shook my head once again.

Tama na Kyana, huwag kang tanga.

I love him so much that leaving him hurts me a lot. Pero mas masasaktan lang siguro ako kapag ipagpupumilit ko pa ang kagustuhang manatili dito kasama siya.

I made up my mind.

Aalis na ako.

Kakalimutan ko ang lahat lahat ng nangyari.

Kakalimutan ko siya kahit mahirap.

Ito na siguro ang nararapat kong gawin. To end this pain, and to live our lives without each other.

Tutal, maraming humahadlang sa aming pagsasama. Pero siya na ang tumapos nun. Siya na ang gumawa ng bagay para maniwala ako sa mga taong nagsasabing walang mapupuntahan ang pagsasama namin.

I should accept that.

Hindi rin naman ako mapupunta dito kung hindi dahil sa kanya.

Tama ulit si Havier Olivier ang ama niya, I am literally just an object, na kapag tapos nang gamitin at pagsawaan pwedeng pwede na akong palitan at itapon.

I was just an item in an auction at wala akong pinagkaiba sa isang bagay. I was now useless to him.

Pagkatapos na pagkatapos kong mag-impake ay dumeretso na ako sa sala palabas ng mansion niya, pero bago pa ako makalabas ng tuluyan ay nagsalita si Havier Olivier, na nasa sala. Tumayo ito at humarap sa akin.

"Finally you've gathered all your thoughts." Nakatungo lang ako sa kanya. Kahit siguro ilang beses ko na siyang nakita ay naginginig pa rin lahat ng kalamnan ko sa tuwing kausap o kaharap ko siya. He's an old man but still screaming in luxury, authority, power and control. Isa siyang batas sa pamilya nila.

"Ako na ang bahala sa kanya. Mayroon na rin akong ibinigay sa iyong kaunting gantimpala," tumingin ako sa kanya.

"Hindi ko ho kailangan iyon." This old man thinks pera lang ang habol ko sa pamilya nila pagkatapos niyang malaman ang kasal na namagitan sa aming dalawa ng anak niya para lang mailipat ang kayamanan nito sa kanyang anak. He found out about it at mas lalong naging mainit ang dugo niya sa akin.

"Walang magandang naidudulot ang pagiging matigas ng ulo mo hija. At higit sa lahat, may magagawa ka pa ba?" Tama siya, simula't sapul walang magandang nangyari sa akin dahil sinusunod ko lang ang kung anong gusto ko. Kahit ayoko mang tanggapin ang sinasabi niyang 'kaunting gantimpala' ay wala akong magagawa.

Hindi ako sumagot.

"Have a safe flight. Don't worry you're still lucky that I made you escape this life." At sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti siya sa akin ngunit alam kong hindi naman iyon totoo.

Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng mga luha ko nang tumalikod ako at sumakay sa sasakyan na maghahatid sa akin papuntang airport para makauwi ng Pilipinas.

Nakita ko rin ang sinasabi niyang kaunting gantimpala. Isa iyong cheke na naglalaman ng ilang libong dolyar.

Tumawa ako habang umiiyak hindi dahil sa nakatanggap ako ng ganito kalaking pera. Kung hindi dahil sa nakakatawa ang lahat, nakakagalit, iniisip pa rin ng matandang Olivier na mukha akong pera. Galit ako, galit na galit kay sa kaniay at sa lalaking nagpaniwalang mahal niya ako.

I hate them!

Pinagpupunit ko ang cheke, hindi ko kailangan ng pera nila!

Pinagbuksan ako ng pintuan nung driver at agad akong lumabas.

Maayos naman na lahat ng papeles ko pati lahat ng fees. Talagang pinaghandaan ang pag-alis ko.

Ito na 'yon. Ito na ang huling araw. Ito na siguro 'yung araw na matatapos na rin ang  nararamdaman kong sakit, sana.

Ito na 'yung araw upang makapagsimula ako ng bagong buhay, 'yung buhay na wala siya. Kahit nasanay akong nandiyan siya.

Sobrang sakit at galit man ang nararamdaman ko ngayon ay tinungo ko na ang loob ng airport.

From now on, I will forget all what happened. Aayusin ko ang buhay ko sa Pilipinas at mamumuhay ako ng masaya.

I wiped my tears away.

Goodbye, Zyrone.

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now