Chapter 19

29K 988 52
                                    

The day has come. Ito na 'yong pinaka-hihintay ni Amira at ni Tito na anniversary ng kompanya nila. Imbitado kami ng pamilya ko but sadly the twins and my parents won't be there. Kahit ako ayoko na rin sanang pumunta dahil inuubo si Kyara at matamlay ang baby ko, hindi naman siya nilalagnat pero nag-aalala ako kasi kapag inuubo pa naman siya ay hindi siya makahinga ng maayos.

Pero heto ako at pinilit ni Mama na pumunta doon kahit ako nalang daw dahil kaibigan ako ni Amira at inaasahan niya ako na nandoon sa celebration nila. Sila na raw ni Papa ang bahala sa mga bata.

Kaya heto ako at nakapag-bihis at nakapag-ayos na. It's a formal party so I was wearing a long fitted champagne colored gown with slit sa right side. I looked elegant in this. Kahit naman nanganak na ako ng kambal ay nandito pa rin naman ang hubog ng katawan ko. Well I'm too sexy in this gown to be honest. Walang halong kayabangan.

I just curled my hair, put a little make up on, a red lipstick and I'm ready to go. It was a masquerade party. Hindi ko alam na may theme na pala ang 28th anniversary celebration, ngayon lang itong masquerade sa ilang taon kong umaattend.

But it's good. Atleast, he won't see my face and I wont see his.

Pero kahit naman siguro naka-maskara siya at natatakpan ang buong mukha malalaman at malalaman ko pa rin na siya si Zyrone. Damn, my heart knows him well. Bulto niya palang, hindi na mapakali ang puso ko at parang gusto ng lumubas sa sobrang bilis at lakas ng tibok nito.

Bahala na nga.

I went out of my room tapos pumasok ako sa kwarto nila Papa. Doon nakahiga ang kambal at si Papa tapos si Mama naman ay nakaupo sa edge ng kama watching them.

Napatingin silang lahat sa akin nang nasa loob na ako.

"Ang ganda mo Mama!" Sigaw ni Akira. Ngumiti ako. Nilapitan ko sila.

"Mana sayo eh." Sabi ko sa anak ko, and I kissed her cheek. Bumakat ang lipstick ko sa pisngi niya.

"You're a goddess, Mama." Mahinang sabi ni Kyara. Nako ang baby ko, kawawa naman. Lumapit ako sa kanya habang nakasandal siya sa headboard ng kama. Tumayo naman si Papa para makaupo ako sa kama.

"Thank you baby and so are you." I kissed her too.  Pwede bang hindi na ako tumuloy sa party? Ayokong iwan ang anak ko ng ganito.

Lumingon ako kila Mama at Papa. Ngumiti sila pareho pero alam kong alam nilang nag-aalala ako ng sobra sa anak ko.

It's just that, kahit may sipon o ubo lang ang isa sa kanila hindi na ako mapakali. Gusto kong on hand ako sa pag-aalaga. Hindi naman sa I don't trust my parents but iba rin kapag ako yung nandito para sa anak ko. That's why it's hard for me to leave my daughter like this.

"Kyana, huwag ka ng mag-alala masyado. Hindi namin siya pababayaan ng Papa mo. We'll update you anytime," Mama assured. "Smile, you're a goddess remember?" Napangiti nalang ako.

"Thanks Ma, alam ko nang gusto mong marinig na sabihin kong nagmana ako sayo." Tumawa naman kaming tatlo nila mama at papa.

Bumaling ulit ako sa mga anak ko.

"Kyara magpagaling ka okay? Yung magaling na magaling. Hindi magtatagal si Mama, babalik ako agad. I love you." I kissed again her forehead.

"Huwag kang mag-alala Mama, pagbalik mo magaling na po ako. Inuubo lang ako." Ngumiti ako.

"Ikaw talagang bata ka, anong inuubo lang? Kahit na basta huwag matigas ang ulo pagdating sa pag-inom ng gamot at susundin sila Lolo at Lola kapag wala ako okay?" Tumango-tango siya at niyakap ako. Niyakap din ako ni Akira.

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now