Chapter 22

29.8K 859 131
                                    

Kanina pa kami naglalakad pero parang walang hanggang kadiliman at kakahuyan ang tinatahak namin. Ni wala ngang nagsisidaanan na mga sasakyan na pwede naming mapag-hingian ng tulong.

I was just walking beside him as closer as possible. Alam niyo namang duwag ako sa multo na 'yan! Bitbit niya rin ang sapatos ko na kanina ko pa tinanggal dahil isinusumpa ko kapag nagpatuloy pa ako sa paglalakad ng naka-heels ay mauuna nang mamatay ang paa ko sa sakit.

"Wala pa bang signal?" Tanong ko. Umiling lang siya. Tumigil siya at humarap sa akin so I stopped too.

"Look, I guess we're just tiring ourselves from walking for how many kilometers now. Wala pa tayong nakikitang sign na malapit na tayo sa kung saan man."

Tumawa ako ng mapakla. Naguguluhan naman siyang nakatingin sa akin.

"Ikaw ang may alam kung saan mo ako dadalhin kanina pero ngayon hindi mo na alam. Are you making fun of me?" Naiinis na tanong ko. Alam kong alam niya kung saan niya ako dadalhin dapat pero bakit parang may mali?

"Sa bahay ko dapat kita dadalhin. Pero it will take us more kilometers before we'll get there. Aren't you tired yet?" I rolled my eyes. Of course I am tired! Actually kanina pa pero dahil sa kagustuhan kong makauwi na dahil sa pag-aalala ko kay Kyara ay kailangan kong hindi tumigil sa paglalakad hanggang sa makahingi kami ng tulong.

Pero tama siya we're both tired. Nakakapanghina ang nangyari ngayong gabi. Ang malas malas ko ngayong gabi!

"So what are we gonna do now?" I asked. Malalim na ang gabi at malamig ang simoy ng hangin. Niyakap ko nalang ang sarili ko, damn this gown. Sleeveless pa naman 'to, may mahabang hati hanggang sa ibabaw ng pagitan ng dibdib ko at open sa likod, may slit pa. Nilalamig na ako ng bongga na hindi ko lang pinapahalata kanina pa pero ngayon nasa sukdulan na ata ang panlalamig ko.

"Next time wear something decent." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ba mukhang desente ang suot ko ngayon? Seryoso ba siya? Wasn't I drop dead gorgeous in this gown? Nanlabo na ba ang mata niya?

Damn stop Kyana! Anong pinag-iisip mo!

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita pero naitikom ko nalang ulit ito nang ipinatong niya sa akin ang coat niya.

I closed my eyes, I missed his scent. Namiss ko ang mabangong mabangong amoy niya. He didn't change his perfume. This was my favorite. Na kahit noong naglilihi ako sa kambal ay hinahanap hanap ko ang amoy na ito, I even bought one dahil feeling ko makukunan ako kapag hindi ko maamoy ang amoy ni Zyrone. Mabuti nalang at may ipon ako that time dahil nalagas ang isang buwang sweldo ko sa kompanya mabili lang ang pabango niyang ginto ang presyo.

"Thanks," sabi ko.

"My coat is good to give you warmth but inside my arms would be the best choice, cookie. Just tell me," kumindat pa siya. Damn it.

Hindi na ako sumagot at inirapan ko nalang ulit siya. Nagtaka naman ako nang nagsimula ulit siyang maglakad. Akala ko ba magpapahinga na kami?!

"Pagod na ako hoy! Akala ko ba--"

"Naalala ko lang na may nadadaanan pala akong maliit na kubo dito," he said.

"Ano?" I asked.

"We can stay there tonight."

"Ano?"

"Tsk. Ang sabi ko may nakasunod sayong multo." Inis niyang sagot at tumalikod na sa akin.

Napangiti nalang ako ng patago. Kahit papaano na-miss ko rin ang ganyang ugali niya. But again, tumakbo ako papalapit sa kanya. Alam ko namang nagbibiro siya sa multo na yan pero malay ko ba kung totoo yung sinasabi niya dati na may third eye ang lalaking ito. He's always like that scaring me even before. Hindi sana ako maniniwala pero kapag multo na, ay ibang usapan na 'yan. Yeah I know. Alam kong ako na ang pinaka-duwag at nagpapaniwala sa mga multo na 'yan. Kasi naman eh...

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now