Chapter 7

32.3K 941 13
                                    

"Get rest and see you tomorrow. Goodnight," ngumiti ako kay Beyb. Kakarating lang din namin dito sa Paris at dumeretso kami agad sa hotel para magpahinga.

I'm here again. Paris, France. Hindi ko kailanman naimagine na makakabalik pa pala ako rito. I don't even know if I want to go back here or not pero nandito na ako wala na akong magagawa.

"Goodnight Beyb," sagot ko.

"Sleep well, babe." Hahampasin ko sana kaso nauna na siyang pumasok sa kwarto niya.

Bago pa man ako makapasok ay binuksan niya ulit ang pinto.

"Just call me when you can't sleep, you're always welcome to my room," and he winked. Kalokohan niya talaga eh.

"Matulog ka na nga," sabi ko.

"Hahaha but seriously just call me when you need something"

"Oo na"

"Alright!" sumaludo pa siya. Napailing nalang ako sa kalokohan niya.

Pumasok na rin ako sa kwartong katabi ng kwarto ni Beyb. The room is screaming of luxury. Elegant and so relaxing. Nandito lang naman kami sa isa sa mga luxurious hotel dito sa Paris. Amira booked a reservation for us. Mabuti nga at dalawa ang kinuha niyang room akala ko kung ano na namang pumasok sa ulo ng babaeng iyon at pagtripan na naman ako at pagsamahin kami ni Beyb sa iisang kwarto. Though walang malisya it's just that nakakailang, mabuti sana kung ang turing sa akin nung tao ay kaibigan lang then I am okay with that. Pero hindi ko naman sinasabing baka may gawing masama si Beyb sa akin, I know he'll never do that but still mas maganda rin na may privacy kami right?

Naupo ako sa kama at naramdaman ko agad ang antok. May jetlag pa dahil sa tagal ng byahe.

But even if I want to sleep already ay kinuha ko ang cellphone ko at tumawag kay Amira.

Video call. Mabuti nalang at online siya, 6 hours ahead ang time sa Philippines at 11pm dito so 5am doon. Ang aga niya namang nagising pero okay na iyon at makakausap ko siya.

"Hey" bati niya habang nakangiti at nagmemake up.

"Kakarating lang namin, thanks for the two rooms"

"Mas sweet sana kung iisa lang 'no?" she teased.

"No way"

She laughed.

"How are my babies doing?" I asked.

"They played with dad kahapon as usual. Pero ilang ulit din silang nagtanong kung tumawag ka na ba at nasaan ka na" she smiled. Napangiti naman ako dahil sa narinig ko.

"Sayang tulog pa sila"

"Chef, si mama ba 'yan?" narinig ko sa linya ang boses ni Akira. Tumawa naman si Amira sa screen at tinawag si Akira papalapit sa kanya.

Oh so they slept in Amira's room.

"Mama!" Napangiti ako dahil sa anak ko. And at the same time ay naiiyak dahil namimiss ko na sila agad.

"Hi baby, ang aga mo naman nagising" she pouted.

"Miss na kita mama"

"I miss you too baby Akira"

"Nako nagising din yung isa" singit ni Amira. Natawa naman kami pareho. I saw Kyara na kinusot pa ang mata at inilapit ang mukha sa camera.

"Mama! I miss you din" Kyara waved.

"I know baby, miss ko na rin kayo"

"Nandyan ka na Pa..pari..is?" Kyara asked tumango tango ako.

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now