Chapter 30

27.7K 806 59
                                    

"Help me." Nakatulala lang siya sa akin na tila naguguluhan.

"O-Of course," she said at nakahinga ako ng maluwag dahil para siyang natauhan sa pagkakabigla.

"Thanks Ivy. I really need to talk to your Boss."

"What happened to you Mrs. Olivier?" Tumikhim siya. "You were gone for a long time, I thought--" Pinutol ko siya sa sasabihin niya. Gusto ko man kausapin siya dahil naging kaibigan ko na rin siya habang nasa France at US ako ay hindi ito ang tamang oras para magpaliwanag.

"Ivy kailangan ko talaga makausap ang Boss mo."

"Ah right. Let's go inside," she said. Nagulat din ako dahil naintindihan niya ang sinabi ko. She's half American, half French at hindi marunong magtagalog.

Umalma pa ang mga guards but Ivy told them that she knows me and that I'm the wife of Zyrone Olivier.

So wala pang alam si Ivy sa mga nangyari. It's been a long time yet she still believes that I'm his wife. Hindi ba sinabi ni Zyrone na peke ang kasal, iniwan ko siya at nagpaka-layo layo?

"Holy crap!" Bigla niyang sigaw. Na para bang may naalala siya. "I'm sorry..." She said dahil sa pagsigaw niya.

"Why? What's wrong?" I asked.

"I just hope thay Mr. Olivier was still in his office," she explained. "He called me few minutes ago that he'll be back to US now. I don't know what happened but it was so sudden."

"Ano?!" I asked, no I shouted.

Hindi. Hindi maaring umalis siya kasama ang anak ko!

Nasa elevator na kami ngayon at papunta na sa office ni Olivier. Kailangan kong magmadali.

"Didn't he tell you?" Umiling ako. Wala nga ata talagang alam si Ivy.

"But you've already talked to each other?" Yes a lot of times but he's unfair dahil may balak pala siyang dukutin ang anak ko.

"Ah yeah.."

Tumahimik na siya nang makarating kami sa tapat ng opisina ni Zyrone. How can he stay in here like a king, kung alam niyang anak niya si Akira bakit kailangan niya pang takutin at ipadukot ang sarili niyang anak sa mga armadong lalaki samantalang nandito lang siya at naghihintay? Hindi niya ba naisip na baka sobrang matakot ang sarili niyang anak? Ang sama!

Sumilay ang galit, kaba, at takot sa aking dibdib. He's cruel!

"Well I guess Mr. Olivier is still here."

"Thanks Ivy." Ngumiti siya sa akin ng tipid at umalis na rin pagkatapos. Agad ko namang binuksan ang pinto at binalibag pasara na ikinatingin niya sa akin.

Kunot ang noo niya pero agad ding rumehistro ang gulat at napatayo siya sa swivel chair.

"Kyana?" Lumapit siya sa akin. "What are you--" I slapped him, hindi ko mapigilan ang galit ko at gusto kong ilabas iyon sa pamamagitan ng pagsampal sa kanya. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko.

"H-how can you be so cruel?!" Sigaw ko.

Tinignan niya ako ng seryoso.

"Nasaan siya? Nasaan si Akira? Nasaan ang anak ko?!" Sigaw ko pa rin habang hinahampas ko siya sa dibdib sa braso sa kahit saan. Hindi naman siya umalma doon, but he caught my hands.

"Kyana what are you talking about?" Ang galing! Ang galing galing mong umarte!

"Alam mo... Alam na alam mo kung ano ang sinasabi ko Zyrone. Ilabas mo na ang anak ko!" Sigaw hikbi ko. I'm trying to get rid of his grip.

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now