Chapter 12

30.3K 877 110
                                    

Nang araw ding iyon ay na-meet na nila Mama at Papa ang mga apo nila. Kaming tatlo ang sumundo sa school.

Nang ipakilala ko sa mga bata ang kanilang Lolo at Lola ay sabay silang tumakbo papalapit sa kanila. At sila Mama at Papa ay tuwang-tuwa dahil sa kakulitan ng dalawa. Naguguluhan pa nga ang mga ito kung sino si Kyara o Akira. Magkamukhang-magkamukha kasi ang dalawa, halos walang pinagkaiba mula gray na mga mata, matatangos at maliit na ilong at mahabang natural light brown ang buhok. Parehas ding may bangs, at dahil nga sa naka-uniform sila noong nakita nila ang kambal ay hindi mo talaga matukoy kung sino ang sino.

Well, medyo malapad ang mukha ni Akira kaysa kay Kyara. May dimple naman sa itaas ng gilid ng labi si Kyara kapag nakangiti, tumatawa o nagsasalita. Though parehas na may dimples ang dalawa. Mas mahinhin sa pananalita si Kyara, si Akira naman ay masyadong energetic. Pero kapag nasa talkative mode ang dalawa, malilito ka na naman sa kanila. Pwera nalang kapag magkaiba sila ng damit or iba ng ipit ng buhok.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin sa mga maliliit na detalyeng iyon na pinagkaiba nila dahil ako ang ina o nakikita rin iyon ng ibang tao? Si Amira kasi hindi na rin nalilito sa kambal. Well si Beyb ay medyo nalilito pa lalo na kapag same outfits ang kambal.

Sa sobrang pagkawili ng mag-asawa ay agad na iniuwi ang mga bata sa bahay mismo namin. Doon kami natutulog ngayon. It's been a week already. Dahil gusto nila pareho na bumawi sa akin pati na rin sa kambal. The feeling is mutual kaya pumayag ako. I've missed them too. Sobra. And I don't mind living in our old house kahit matagal. Mas mabuti na rin iyon para may kasama ang kambal.

Si Nanay Kas ay bumalik muna sa mansion nila Amira.

Nakilala na rin pala nila si Amira at si Tito Rafael at sobra silang nagpapasalamat dahil sa kabutihang ginawa ng mag-ama sa akin.

I also told Amira na nagsinungaling ako sa part kung saan may taong nakabili sa akin noon. Wala naman na siyang naging komento doon, dahil naintindihan niya ako.

Sila Papa at Mama na rin ang nag-aalaga sa kambal habang nagtatrabaho ako. Sila na rin ang naghahatid at sundo sa kanila sa school.

"I'm happy to see you happy," bulong ni Beyb habang nagcho-chop ng gulay samantalang ako ay umiikot para magcheck sa mga Chefs na kasalukuyang nagluluto.

Ngumiti lang ako sa kanya.

Masaya naman talaga ako dahil sa nangyari. Okay na kami ng pamilya ko.

"Excuse me, Chef De Leon. May naghahanap po sa inyo. Isang customer po, Chef."

"Nagkaproblema ba?" Kunot noong tanong ko.

"Wala naman po, Chef."

Tinanggal ko ang apron at yung hat bago lumabas para e-meet yung customer na gusto akong kausapin.

Sinusundan ko lang ang assistant ko pero bumabagal ang bawat hakbang ko habang nakatingin sa isang mesa na tinutungo namin ngayon.

Biglang kumalabog ng mabilis ang puso ko.

Kahit likod lang ang nakikita ko ay alam kong siya 'yon. Sigurado akong si Zyrone Olivier iyon.

Oh god. He's here.

Tumigil nga kami sa mismong harap nila. Pigil ang hininga ko habang nakatingin ako sa kanila pareho.

He's with this brown haired, fair skin, hazel eyed, slim at parang isang model na babae. Napaka-ganda niya. Obviously, girlfriend niya ito.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. What the hell!

Eh ano ngayon kung may girlfriend na siya? Or asawa? I should not care right?

Mafia Boss 2: Owned By Him Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora