CHΔPTΣR 4

1.3K 35 0
                                    

Revine's POV

"A-ate.." nanginginig sa takot na sabi ni raivel

"Ayos 'yan kapatid!" sigaw ni Lj

Unti unti akong lumapit sakanila si Raivel naman nakatayo lang at naka tingin sa'kin. Nagtataka naman ang ibang kasama niya

Narinig kong may umahon sa swimming pool. Akala ko nag eenjoy siya kaya ayaw niyang umalis eh.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko kay raivel

"Inagaw kasi nung lalaki 'yon ang Girlfriend ni raive--" sabi nung tumulak dun sa lalaki

"Shut up!" pinutol ni raivel ang sinasabi nito

Napa cross arms nalang ako "Girlfriend?" tanong ko

Nagsilapitan naman yung mga kaibigan ko sakin.

"May Gf ka?" takang tanong ni Lj

"Huwag ka ngang sumabat! Usapang magkapatid 'yan!" saway ni yennie

Napanguso naman si Lj "okay payn!"

"A-ate--" Si raivel

"Answer me!" buong lakas kong sigaw

Napalunok naman ang loko "K-kasi.." napatingin siya dun sa babaeng umiiyak

"Siya ba?!" turo ko dun sa babae

"A-ate.."

"Puro ka ate! Inuubos mo ang oras at pasensya ko!"

"Chill lang parekoy." bulong ni Nina sa likod ko

"Hayaan mo munang mag explain 'yung bata." si Kathina

Huminga ako ng malalim "Mag uusap tayo sa bahay! Pupunta ako don!" at lumayas nako.

"Chill. Masyado kang hot." nakasunod na pala sila sakin

"Hindi na kasi nadidisiplina yung batang 'yon." sabi ko "Lagi nalang gulo ang gusto."

"Takot naman 'yun sa kuya mo eh." sabi ni kathina

"Oo nga takot siya," pag sang-ayon ko. "Pero hindi pa rin nakikinig!"

"Sinigawan mo na nga kanina. Hihiwalay na ata 'yung kaluluwa non sa sigaw mo." si Lj

"Nainis ako kasi may Girlfriend na! Eh 13 palang 'yon!"

"Sabagay." sang ayon nila

"Tara na we're getting late." aya ni Nina kaya pumunta na kami ng room

"Teka may naiwan ako sa primary building. Mauna na kayo may 20 minutes pa naman." paalam ko sakanila

"Sige bilisan mo." si kathina

Tumakbo ako papunta sa primary building. Nabitawan ko ata ang panyo ko dun. Sa galit na rin siguro kay raivel

Nang makarating ako sa loob. Nakita kong nandon pa rin ang kapatid ko at ang kasama niya. Pero nakayuko na sila

May napansin din akong apat na lalaking matatangkad na nasa harap nila.

"Hindi mo siya dapat sinuntok." sabi nung isa

Pamilyar sila sakin.

Sila hirro.

"N-naiinis po kasi ako sakanila." sabi ng kapatid ko kaya lumapit na 'ko

Naiinis ako kasi halos kasing tangkad ko lang ang kapatid ko. Napag iwanan!

"Hindi pa ba tapos 'to?" madiin na sabi ko

That Gay is a Celebrity HeartthrobUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum