CHΔPTΣR 20

966 26 1
                                    


Revine's POV

Monday na ngayon, may pasok na kami.

Sa mga araw na dumaan nasa unit lang kami ng mga kaibigan ko.

Sa mga gabing dumaan naman hehe, iniisip ko yung nabasa ko sa journal ni Leigie, hindi ko talaga alam kung sakanya ba yun or sinisiraan lang siya eh.

Pero si Leigie ang kasama ko nung araw na yun, walang ibang taong nandon. Baka nagkamali ng lagay si Leigie sa journal niya at nailagay niya sa bag ko.

Hindi ko talaga matanggap!

Kung titignan kasi si Leigie.. Bruskong brusko siya, hindi mo siya maiisipan na bakla siya kung bakla man. Siya yung tipo ng taong boyfriend material tapos...

Shokla pala!

"Revine!"

"H-ha?"

"Ano ba?! Tara na malelate na tayo!" Inis na sabi sakin ni Yennie.

Papasok nga pala kami ngayon sa school, nakabihis na din naman kami.

Kaya naman lumabas na kami ng building at sumakay sa kotse ni Nina papuntang school.

Hindi ko alam kung itatanong ko ba kay Leigie na kung totoo ba yun. O baka hindi na!

Paano ko ba itatanong yun na hindi siya na o-offend?

Leigie mani na ba gusto mo para sayo?

Leigie pink ba favorite color mo?

Gusto mong damit ng babae? Bagay sayo..

Alam mo meaning ng chaka?

Jussskkooo! Mababaliw nako!

Napahilamos nalang ako ng muka at sinandal ang ulo sa upuan ng kotse. Kinagat ko din ang labi ko at mariin na pumikit.

Napaka gwapo mong lalaki, tapos ganyan ka?

Artista kapa! Jusme naman koyaa!

Natauhan ako ng huminto na ang kotse ni Nina, nagsibabaan na din kami sa kotse at sabay sabay ng pumasok sa loob ng school.

Nang makapunta na kami sa floor namin ay binagalan ko ang paglalakad, Napahawak din ako ng mahigpit sa strap ng bag ko.

Hindi ko alam kung kaya ko siyang makita, nanlalamig ako!

"Ano nayan revine? Muka kang tuod!" sabi naman ni Nina sakin

"Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Kathina

"O-oo naman hehe.." sa totoo lang naiihi nako, pinagpapawisan ako, at kinakabahan.

Bakit ba apektado ako? T_T

Maya maya lang ay pumasok na kami sa room, nakahinga ako ng maluwag ng wala pa sila.

"Alam niyo yung tinatawag nilang secret building dito?" medyo bulong ang pagkakasabi ni Lj samin "Kahit isang estudyante daw don wala pang pumapasok." nanliit naman lalo ang singkit niyang mata

"Oh ngayon?" mataray na tanong ni Yennie

"Pupuntahan natin yun mamaya Ha! Ha! Ha!" malademonyong tawa niya at umayos na ng upo ng dumating si Ma'am.

Bakit wala pa sila?

Nag daldal muna si ma'am sa unahan at konting review lang sa nakaraang lesson namin.

Naputol ang sinasabi ni ma'am ng may kumatok "Sorry we're late ma'am." Sila drino pala.

Namewang si ma'am "Akala ko absent na kayo Mr. Kainen.." masungit na sagot ni Ma'am sakanila "Pasok na." at nag si pasukan naman sila

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now