CHΔPTΣR 21

931 30 2
                                    

Revine's POV

Nandito ako ngayon sa sala namin. Nakauwi na kami ng mga kaibigan ko at nandon na sila sa taas, natutulog na.

Kaya ako nandito dahil hindi ako makapag isip ng maayos sa sinabi ni Leigie kanina.

Tungkol naman doon sa secret building, wala namang kahina-hinala eh. Sadyang nakakatakot lang ang itsura, Delikado din kasi sa second floor dahil hindi pa pala nagagawa ang dulo non kaya bawal ang estudyante doon.

Pano ako nakasama sa mga kaibigan ko pauwi?

Nahanap nila ako sa may locker room. Nilock pala ni Leigie yung pinto non, yung lock ay nasa taas kaya hindi ko nakita.

Balik na nga po tayo sa iniisip ko ano?

Well, kanina pako dito ilang oras na din akong tulala sa kawalan. Tanging lamp nalang ang nakabukas na ilaw sa gilid ko.

"Kasi hindi ko masusuklian ang pagmamahal na ibibigay mo pagdating ng panahon na mahal moko,"

"Kasi hindi ko masusuklian ang pagmamahal na ibibigay mo pagdating ng panahon na mahal moko,"

"Kasi hindi ko masusuklian ang pagmamahal na ibibigay mo pagdating ng panahon na mahal moko,"

"Argh!" bulalas ko,

F*ck! Eh pano kung may gusto nako sayo?! Bakit kapa kasi lumalapit sakin?!

Napaayos ako ng upo ng may mag text sakin.

- Leigie The Sungit Man -

"Are you still awake?"
11:20 PM

"Gising pa."
11:21 PM sent

Nilapag ko ang cellphone sa hita ko at nag antay pa ng text niya.

"Bukas, huwag kang sumabay ng uwi sa mga kaibigan mo."
11:23 PM

"Bakit naman? Hinahanap bako ng mommy mo?"
11:23 PM sent

"Kinamusta ka ni mommy sakin, pero hindi ka niya hinanap. Huwag kang illusyunada! Maguusap lang tayo bukas."
11:24 PM

Ano naman kayang paguusapan namin nitong leigie nato?

"Sige na nga baka umiyak kapa."
11:26 PM sent

"Kadiri ka, bakit ako iiyak?"
11:26 PM

Bilis mag reply ah? Ganto dapat boys.

Kaso bakla yan eh, hays

"Hindi ako makatulog, i'm still thinking what i've done to myself."
11:27 PM

"Ako din naman hindi makatulog kasi iniisip kita."
11:28 PM sent

Hays. Bakit ba kasi ang lakas ng epekto mo saking leigie ka!

Napatingin ako sa cellphone ko at nag type ng sasabihin.

"Ako din naman hindi makatulog kasi iniisip kita."

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now