CHΔPTΣR 17

977 35 2
                                    


Nina's POV


"Aish!" patuloy pa din sa pakikipag suntukan si hirro sa mga lalaking nakasalubong ko kanina

Tulog na yung dalawa, kaso itong dalawa hindi pa. Ang nilalabanan nalang ni hirro ay yung pumulot nung susi ko at yung lalaking walang pang itaas na damit.

Aamba sana ng suntok yung walang damit na pang itaas kay hirro kaso naunahan siya ni hirro ng suntok sa tiyan kaya napaluhod ito.

Tumapak si hirro sa pader at sinipa yung pumulot ng susi ko.

Woah! Angas nun ah!

Nang maka lapag si hirro sa sahig ay hinihingal siya habang nakatayo. Tumatagaktak din ang pawis niya sa pisnge.

Habang nakikipag laban siya ay naka kunot ang noo niya, ang mga singkit niyang mata ay galit na galit.

In short, ang gwapo niya at ang cool pa!

Hay...

Teka! Bakit ko ba pinupuri yan?!

Balik tayo sa away!

"Lintik naman oh!" sinuntok niya pa ulit ang isa at nakatulog na nga.

Taob lahat hahahaha!

Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti.

Nagulat ako ng humarap sakin si hirro. Galit ang muka!

"O-oh? Bakit?" umatras pako dahil galit na galit siya.

Mas nagulat ako ng mabilis niyang ituro ang muka niya.

Tinignan ko iyon at nakita kong may pasa siya sa gilid ng labi niya, dumudugo din ang labi niya.

"Nasuntok ako!" sigaw niya

"K-kita ko n-nga." hindi naman pamimilosopo ang sinabi ko no?

Umayos siya ng tayo at namewang "Alam mo bang never pakong nasuntok ng kahit na sino!?" inis na tanong niya kaya umiling ako "Dadaan ka na nga lang! Doon pa sa mga lalaking tambay! Eh sanay sa gulo yang mga yan eh! Tapos sakin mo pa ipapalaban, aba hoy! Sinuswerte ka ata masyado ah? Ayokong nadudumihan ang gwapo kong mukha! Ngayon, may bangas na! Baka nakakalimutan mong inaway moko nung nandon tayo sa police station?! Abaaa! Hindi ka talaga nahi--"

"Teka nga! Teka!" pigil ko sakanya "Para kang babae! Dada ka ng dada. Okay unang una salamat ha! Kasi niligtas moko. Pangalawa thank you ulit. Yun lang, pwede nakong umuwi?"

"Tigas ng muka mo ah!" pinahid niya pa yung dugo niya sa labi.

"Gabi na kasi akong nakauwi, tapos wala nakong pera kaya nag lakad nalang ako."

"Nag papaawa kaba?! Sa tingin mo maaawa ako sayo ha!" sigaw ng sigaw eh! Karindi ah

"Bat kaba sumisigaw?! Nandon bako sa kabilang kanto?"

"Tsk. Dyan kana nga!" at lumakad na nga siya papunta sa motor niya. Tamo to, nakaharang pala yung motor niya sa daan. Buti walang sasakyan

"T-teka!" tumakbo ako palapit sakanya

"Ano?!" naka kunot parin ang noo niya, galit na galit purke nasuntok.

"Pasabay hehe." hindi ko na kailangang mag pa cute, cute nako eh.

"Ha.." natatawa ba siya? "Hahahahahaha!" ay loko, natawa nga "Sira ba ulo mo?" sumeryoso naman siya ngayon

Hinawakan ko ang ulo ko "Hindi naman.."

"Tang--"

"Oppss! Bad yan hehe." awat ko sakanya. "Sige na pasabay, hindi mo ba nakikita? Madilim na tapos babae pako. Baka maulit yung nangyari kanina."

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now