CHΔPTΣR 28

975 31 0
                                    

Warning : SPG ( Language )

Revine's POV

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung layuan ko si leigie. Nakalabas na din siya ng hospital sabi ni ghan pero simula nun wala nakong balita sakanya.

Hindi rin siya pumapasok sa school at sinabi na din sa Tv na tumigil muna sa pag kuha ng projects si leigie.

"Uy revine." napalingon naman ako kay Lj ng tawagin niya ko "Labas labas ka naman. Mabubulok ka dito."

Totoong hindi nako gaanong lumalabas kasi hindi ko na trip.

"Magpapaka manang nalang siya dito." usal naman ni Nina

"Grabe naman sa manang nina." saad ni kathina

"Sige gala tayo." sabi ko kaya naman nabuhayan sila

Si Lj naman tumatalon talon at ang iba sakanila ay pumunta na sa kani kanilang kwarto para mag bihis.

Siguro nga hihintayin ko nalang muna si leigie hanggang kaya na niyang harapin lahat.

Hanggang ngayon kasi hindi pa siya umaamin sa media na bakla siya, hindi rin naman nangengealam ang pamilya niya doon.

-

Nandito kami ngayon sa park at naglalakad lakad kami. Sila karry at yennie naman ay humiwalay samin dahil may nagustuhan silang view don sa kabila

"Uy doon muna ako!" usal ni Lj at tumakbo dun sa may palaruan

Kaming tatlo nalang ni Nina at kathina ang naiwan kaya umupo muna kami sa bench at kumain.

"Balita ko nagkakamabutihan kayo ni drino?" pang aasar ko kay kathina kaya gulat siyang tumingin sakin

"Nako! Huli kana sa balita. Nagkaaway yang dalawang yan." puna ni nina kaya tumingin ako kay kathina

Nanahimik siya "Totoo yun.. Mag kaaway na kami." ngumiti si kathina

"Akala ko puro good vibes lang kayong dalawa?" pang aasar ko

"Siya naman ang nauna!" depensa ni kathina

"Ano bang nangyari?" tanong ko

"Nung isang linggo kasi may kasamang babae si drino tapos itong si loka loka nakita daw niya, ayun nag selos na." paliwanag naman ni nina

"Grabe nina, hindi ka naman chismosa sa lagay nayan ah?" si kathina

"Aba! Lahat ng meron sayo, alam ko. Alam ko ngang umiihi ka sa kama nung 15 years old ka." natawa naman ako sa sinabi ni nina

"What the heck nina?!" inis na usal ni kathina

"Hahaha joke lang kathina!"

"Eh kayo ni hirro kamusta na?" tanong ko kat nina kaya napatigil siya at naging seryoso ang muka

"Wala naman akong pake don." inis na sabi niya

"LQ pa rin kayo?" natatawang sabi ko

"Hindi ah! Quarrel lang walang Love!" depensa niya.

"Oh relax masyado kang guilty hahaha!" si kathina

"Alam niyo kayong dalawa lagi niyo kong pinag tutulungan!" usal ni nina "oh ikaw naka move on kana ba kay leigie ha?" nabigla naman ako sa tanong ni nina

"Huh? May gusto ka kay leigie?" takang tanong ni kathina sakin

"Hala te! Huli kana ba sa balita o late bloomer ka? Lah grabe! Alam na lahat ng nasa balat ng saging. Ikaw nalang hindi?" gulat na sabi ni nina

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now