CHΔPTΣR 8

1K 34 2
                                    


Revine's POV

Daldal lang nang daldal si ma'am sa unahan. Hindi pa rin nag fa-function ang utak ko dahil na rin sa gutom at kay Ara.

Hindi ko alam kung bakit sakit ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Nasaktan siguro siya sa sinabi ni Leigie, at ako naman ay napansin pang binastos ni Leigie si Ara.

Ngayon ay tahimik lang si Ara. Hindi ko intensyon na masaktan siya, kung 'yun man ang dahilan. Nainis lang kasi ako dahil sa inasta ni Leigie. Mababaw man tignan pero nakakabastos para sa 'kin

"Ms. Sadella." tawag sakin ni ma'am kaya napatingin ako sakanya "Are you listening?" tanong ni ma'am

"Y-yes ma'am." tanging nasagot ko

"Sige, anong sinabi ko?" aba malay ko! Shete, otso naman!

"P-po?"

"I didn't say 'Po'." sabi pa ni ma'am "Tulala ka, anong iniisip mo?"

"Wala po ma'am. S-sorry po."

"As i've said, Next week ay wala tayong pasok. Buong week 'yon. Dahil merong pupuntahan ang mga teachers sa probinsya ata iyon. I don't know the exact location. Mag tuturo rin kami roon dahil sa mga batang nakukulangan sa mga guro. Isang linggo lang naman iyon dahil salitan ang bawat guro sa pag tuturo. Next next week iba naman ang mag tuturo." paliwanag ni ma'am "Are we clear?"

"Yes ma'am!" sagot naming lahat

"You can have your lunch break." at umalis na nga si ma'am

Napasubsob naman ako sa desk ko. Gusto kong kumain dahil nagugutom na ang tiyan ko. Pero mukhang wala akong gana.

Mukha kasi akong affected. Hindi ko alam kung kanino.

"Tara na." kinalabit pa nila ako at inaya sa canteen pero tumanggi ako

"Sigurado ka? Hindi ka kaya kumain kanina." Sabi naman ni Karry

"Hindi na. Okay lang. Maya maya rin naman uuwi na tayo." sabi ko naman kaya pumayag na rin sila at umalis na

Naiwan ako rito na naka subsob sa kinauupuan ko. Mag isa lang ako rito sa room dahil lahat sila ay lumabas para kumain.

Hay...

Chill lang kasi revine...

Tumayo na 'ko sa upuan ko. Mag lalakad lakad nalang muna siguro ako at mag papahangin.

Habang nag lalakad ay naisipan kong pumunta sa iba't ibang classrooms. Hindi ko naman pinasok dahil tinignan ko lang isa isa. Hanggang maka punta ako sa fourth floor. May makipot pa na hagdan doon. Ang akala ko hanggang fourth floor lang ito?

Inakyat ko 'yun at bumungad sa 'kin ang rooftop. Rooftop pala ito. Masarap tumambay dito dahil mahangin. May bakod din siya na pwedeng patungan ng kamay para makita ang baba.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" may narinig akong boses galing doon sa likod ng pader. Nagsasalita ba 'yung pader?

Dumirecho ako at tinignan iyon. Harang lang pala ang pader na 'yun. May daanan din papasok sa loob.

"Gusto ko lang naman siyang makausap." mangiyak ngiyak na sabi nung babae. Pamilyar 'yung boses nila kaya sumilip ako.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Ghan 'yung lalaking nag salita at si Ara naman 'yung babaeng umiiyak.

Nakahawak si Ghan sa braso ni Ara at mukhang napiglas si Ara sa pagkahawak ni Ghan.

"Layuan mo siya! Masasaktan ka lang! Isa siyang artista! Malabong malabo ang gusto mong mangyari." inis na bulong ni Ghan kay Ara at pinagkakadiinan pa ang bawat salita

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now