CHΔPTΣR 11

985 31 0
                                    

REVINE

May lock ang bawat convo nila. Grabe naman ito. Siguro mga babae niya 'yun! Tsk tsk.

"Ay pusang nirebond!" Nagulat ako ng biglang mag ring ulit 'yun.

'Yung Leilan again.

---------

- On Phone Call -

"Hello po?" bakit kapag may tumatawag hello agad ang sinasabi?

Leigie is not here.” nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya

"Po?" nakakaintindi ako ng english ha!

He's not here. In our house.”

"Kanina pa po kasi siya nakauwi."

May binulong siya pero hindi ko naintindihan.

“Let's meet. I will text you the address.” sabi niya at binaba na ang linya.

---------

Maya maya pa ay may nag text na sa cellphone ni Leigie na galing kay Leilan. Hindi naman naka padlock.

"Einstone Company."

Sabi sa text. Address ba 'yun? Baka mahirapan ako makapunta d'on. Isasama ko na nga lang 'yung mga kaibigan ko.

Pag ka receive ko ng text ay nag bihis na ako at nag ayos. Nilagay ko rin sa bag ko 'yung cellphone ni Leigie.

"Ma! Aalis po muna ako. Pupunta lang po ako kila Nina." paalam ko kay mama nang makababa na ako sa sala.

"Baka kung saan saan ka nanaman pumunta?" sabat ni kuya

"Wow! Ikaw na pala si mama ngayon?" sabat ko naman sakanya

"Tumigil ka, baka gusto mong tanggalan kita ng buhok sa katawan." hindi na ako naka sagot sakanya kaya naman nag paalam na ako kay mama at pumayag naman siya.

Lumabas na ako ng bahay at village. Nilakad ko nalang papunta saamin. Sa unit.

Nang makarating ako doon ay nag doorbell na 'ko. Nakita ko namang bumukas iyon at iniluwa ay si Nina.

Hindi kasi umuuwi si Nina ngayong weekend sakanila kasi nasa vacation ang mga parents niya.

"Kailangan?" bungad niya sa akin

"Samahan mo 'ko." nag pacute pa ako sakanya

"Hanong meyron?" nabigla naman ako sa pag sulpot ni Lj.

"Gagala ba?" Nakita ko naman si Yennie na may hawak na tubig

"Bakit kayo nandito?" taka kong tanong sa dalawa

"Bahay namin 'to. Ikaw lang pwede dito? Ikaw lang?! Ikaw?!" Sigaw ni Lj

"Kakaligo ko lang Lj. Stop." tumatalsik kasi ang lawaybels.

"Parang tange kasi. Iniipon sa bibig 'yung laway. Hoy mamamaho 'yan!" si Yennie

"Kahit nga hindi na ipunin ang laway mo. Literal na mabaho 'yang iyo." protesta ni Lj

"Mabango 'to oy! Amuyin mo." si yennie "Haaaaaa..." at binuga ang hininga kay Lj kaya natawa kami.

"Nag tooth paste ka ba ng galing inidoro?" sabi ni Lj habang nakatakip ang ilong.

"Tama na 'yan! Samahan niyo na 'ko." singit ko

"Saan ba?" Tanong ni Nina na nakain ng chitchirya.

That Gay is a Celebrity HeartthrobWhere stories live. Discover now