Chapter 1: Snakes and Insects

146 3 0
                                    

Chapter 1: Snakes and Insects


Eris' POV


"I will always love you, Eris. Hindi magbabago yun. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at pakakasalan ko." sabi ni Vince sakin at hinalikan ako ng mabilis sa labi.



Napangiti ako sa ginawa nya. Mahal na mahal ko talaga 'tong lalake na ito.


"Mahal din kita, Vince." sabi ko at niyakap sya.



"Eris? G-Gising na." napadilat ako sa narinig ko. What the hell. Napanaginipan ko na naman ang lalakeng iyon? Kadiri.



Sinamaan ko muna ng tingin si Alicia bago bumangon. Napaatras pa nga sya eh. Tss.



Dumiretso na ko sa banyo at agad naligo. Naiinis ako. Bakit ba napanaginipan ko na naman yung hinayupak na lalakeng iyon?!


'Kumalma ka, Eris.' rinig kong sabi ni Euro sa isip ko.



'Oh, shut up.' sabi ko sa kanya at nagmadali maligo. Pagtapos ko ay nagtapis ako ng tuwalya at lumabas ng banyo. Mabuti na lang at wala na si Alicia.


Nagbihis agad ako ng uniform namin at saka nagsuot ng mahabang medyas na hanggang tuhod. Sinuot ko na rin yung sapatos ko na mga 3-inch ang haba nung takong. Inayos ko na din yung necktie ko at saka sinuklay yung buhok ko.


Pagkatapos ko magsuklay ay naglagay ako ng pulbo sa mukha ko para di masyadong mapawis at saka ako naglagay ng lip tint na kulay pink.

'Ang ganda ganda talaga ng Eris namin!' rinig kong sabi ni Pyro sa isip ko kaya napairap na lang ako. Humarap muna ko sa salamin para tingnan kung ayos ba ang itsura ko pero may napansin ako.


Iba na naman ang kulay ng mata ko tapos yung buhok ko din. Nagiging kulay asul pareho. Hayaan na nga.



Lumabas na ko sa kwarto ko at bumaba sa hagdanan. Nakita kong nakaupo na doon yung apat. Mukhang ako na naman ang hinihintay.


Nang makarating ako ay umupo na ko sa pwesto ko at nagsimulang kumain. Bahala na sila sa buhay nila.



"As expected sa Ice Queen." rinig kong bulong ni Iana.



"Sshh! Pag ikaw narinig nyan, tingnan mo!" saway naman ni Alicia kay Iana. Malamang maririnig ko kayo.




"N-Natatakot ako, Ate Lay. P-Paano kung hindi na bumalik sa dati si Ate Eris?" napatingin naman ako kay Yui nang sinabi nya yun.


Hindi ko na tinapos yung pagkain ko at tumayo na. Nabigla pa nga sila eh.



"Mauuna na kong pumasok." sabi ko at saka ako nagteleport papunta sa labas ng room namin.



"Ano ba Gianna? Bakit pati dito sinusundan mo ko?!"



"Kasi nga mahal pa rin kita!"



"Tama na, Gia! Hindi na kita mahal!"



"B-Bakit ka ba ganyan sakin? Mahal mo pa rin ba yung mortal na yun? Patay na sya, Vince!"



"Oo! At pinatay mo sya!"



Napairap ako. Sila lang ba tao sa loob?



"Tumigil na nga kayo. Etong mga transferee na 'to, dito pa kayo nag-away." boses ni Dale.



"Oo nga. Pasalamat kayo at wala pa si Queen dito. Kundi lagot kayo." boses naman ni Xyril.



"Bakit hindi ka pa pumapasok, kapatid?" di ko sya pinansin at binuksan nya yung pinto.




ERIS: The Ice QueenWhere stories live. Discover now