Epilogue

52 1 0
                                    

Epilogue

"Aalis na kayo?" Sabi ni Iana kina Julian.

"Why don't you stay here?" Sabi naman ni Alicia.



"Akala ko ba hihintayin nyo sya?" Sabi naman ni Layzah.



"Babalik din kami. Pero sa ngayon, kailangan muna naming makapag-isip." Sabi naman ni Xenon.



"Pero paano kung bumalik sya habang wala kayo?" Sabi naman ni Dale.



"It's okay. You may go. And after 15 years, bumalik kayo dito." Sabi naman ni Yui kasama sila Ukina.



"15 years? Sobrang tagal naman non!" Sabi ni Grey.



"Nah. Mabilis lang yun." Sabi ni Mira.



"Alagaan nyo sila. Kapag dumating na ang tamang panahon, bumalik na kayo dito kasama sila." Sabi ni Ukina at naguluhan pa sila Iana.



"Sinong 'sila'?" Sabi naman ni Vince.



"You'll know them soon. Mag-iingat kayo." Sabi naman ni Chitatsu.




Nagsimula nang maglakbay ang tatlo. Si Haru sa Silangan dahil doon ang Urkia City. Si Xenon ay gagawa ng portal sa gitna ng Fraisia Forest para makabalik sa Waseria City at si Julian na dadaan sa Lanif  Noitanitsed ---kung saan ang pinakadulo ng Perillia na nag-uugnay sa lugar ng mga Eripmav City.



Habang naglalakbay si Haru ay may narinig syang isang iyak. Sinundan nya ang ingay at nakita nya ang sanggol na nakabalot sa puting tela sa may gitna ng Urk Bridge. Agad syang tumakbo doon sa takot na baka mahulog ang sanggol. Isa kasing hanging bridge ang tulay.


Pagkalapit nya ay binuhat nya ang bata at naglakad papaalis sa tulay.


"Kay gandang sanggol. Kanino kaya 'to?" Sabi ni Haru at nakita nya ang pagngiti ng sanggol.


Napansin nya rin ang kwintas ng sanggol. Isang pendant na may kulay berdeng gem. Pamilyar ang gem na iyon para sa kanya pero isinawalang-bahala nya na lang at inuwi ang bata sa lugar nila. At tinuring nya iyon na parang kanyang tunay na anak.



At habang nagsasabi ng spell si Xenon pauwi sa kanila ay may narinig syang iyak. Hinanap nya ito at nakita nya ito na malapit ng mahulog sa puno. Hindi nya alam kung bakit o kung paano napunta yung baby doon sa puno pero isa lang ang nasa isip nya.


"Chitatsu's right. This is just the beginning." Sabi ni Xenon at sinalo ang baby. Nakita nya rin na nagbukas na ang portal. Napangiti sya at sinama ang baby papunta sa Waseria City. At di kalaunan, inampon nya na ang bata.




Sa kabilang banda naman ay nakarating na si Julian sa mundo nila. Sinalubong sya ng mga tao at pati ng mga magulang nya. Pero ang pinagtataka nya ay ang isang bata na mga isang taon na ata ang edad na kasama ng nakababata nyang kapatid ang sumalubong sa kanya.



"Jane? Sino yang batang iyan?" Takang tanong ni Julian sa kapatid nya. Tumakbo papalapit sa kanya ang bata at yumakap sa binti nito.



"Papa!" Sabi ng bata at niyakap yakap ang binti nya.



"H-Huh?" Sabi nya at umupo sya para makapantay ang bata.



"Isang taon kang nawala, Kuya Julian. Disyembre noon at biglang may dumating na babae at sinabi nyang anak mo ang batang ito." Sabi ng labing-pitong taon nyang kapatid na si James.


"Disyembre? Pero wala akong anak. Anong itsura ng babae?" Tanong ni Julian sa kapatid.



"Mahaba ang buhok at maganda sya. Tapos may magandang ngiti. Nagpakilala sya eh." Sabi ni James.



"Oo nga Kuya. She's a Goddess! Sabi nya alagaan mo daw ang anak nyo. Sabi rin nya na namimiss ka na daw nya." Sabi pa ni Jane.


"Ano ngang pangalan nya?" Sabi ni Julian.



"Mama Eris!" Biglang sabi nung bata kaya napatingin si Julian doon.


"That's her name, Kuya. Sabi nya ang pangalan nya ay Eris." Sabi ni Jane at napangiti na lang si Julian doon. Binuhat nya ang bata at niyakap.



"You never fail to amuse me, Eris. Wait for me. At aalagaan ko ang anak natin." Sabi ni Julian at pinisil ng bahagya ang ilong ng bata.




Lumipas ang ilang taon, naging okay na ang lahat. At pagkatapos ng labing-limang taon, gaya ng napag-usapan ay bumalik sila sa Vermon Academy kasama ang mga anak nila.


Dahil ang propesiya ay nagbalik na. At sila ay umaasang pati SYA ay magbabalik din.


***

End of Book 1! May Book 2 po tayo, don't worry. Because this is not the end, this is just the beginning. Hope basahin nyo pa rin po ang Book 2. Salamat po sa pagbabasa! 😍

ERIS: The Ice QueenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ