Chapter 4: Eryss, Santhe & Athena

51 1 0
                                    

Chapter 4: Eryss, Santhe & Athena


Eris' POV


Isa na lang. At kapag nakumpleto na sila, magsisimula na ang digmaan.


"Mama, magbabonding lang po kaming tatlo ha?" sabi ni Ukina at tumango na lang ako.


Simula na ng school fest kaya ang daming booths at rides na nakakalat. Wala naman sakin yun dahil mahigit tatlong taon na kong nasanay sa school fest na pinagdiriwang taon taon. Tinatamad ako ngayon. Eh kung..? Pwede. Titingnan ko kung ano ang gagawin nila. Napangisi ako sa iniisip ko.

Nagtawag ako ng mga Paji gamit ang pag-snap ko ng kamay ko. Nagtawag din ako ng mga Cyros. Ang Paji kasi ay mga paniki na nangangain ng tao. Ang Cyros naman ay mga higanteng mukhang Genok, which is mga mukhang tsanak. Napangisi ako. Mukhang magiging madugo ito.



"GRAAAAAAAR!" oops, nandyan na sila. Simulan na ang laro. Nakita ko rin kanina ang mga Everian.


Pinasundan ko sa kanila ang mga Kuros. Ang Kuros ay mga fairy na cute pero kapag nag-evolve ay lumalaki at pumapanget. Nagpadala na rin ako ng mga Zuli, mga isda na may paa. Lumipad ako at saka nag-invisible. Let the game begin.






Alicia's POV



"WIKWIKWIKWIKWIKWIKWIK!"



"Ano yon?!" sabi ko at nung tiningnan ko ay mga Paji. May mga halimaw na nanggugulo sa school namin! Paano sila nakapasok?!




"Mga Vermontian! Iligtas ang mga bata." sigaw ni Eros.




May sumugod saking mga paji kaya di agad ako nakakilos. Buti na lang at may tumamang mga pana doon. Napatingin ako kay Xyril.



"Salamat." sabi ko at nilabas ko ang espada ko saka sinaksak ang Paji na papunta sa kanya.




"Salamat din." sabi nya at tumango ako. Humarap kami sa mga Paji at saka sinugod.








Third Person's POV


Sa kabilang dako naman ay nilalabanan nila Vince ang isang Cyros. Sobrang laki nito kaya nahihirapan silang patayin ito.


"Ice Spikes!" pagtira ni Erin doon sa Cyros pero wala pa ring epekto.




"Erin, patamaan mo ang tyan nya." utos ni Dale at tumango si Erin.



"Ice Blades!" sigaw ni Erin at tinamaan ang tyan ng Cyros na agad naman itong sumabog.




Sa kabila naman ay nakikipaglaban sila Grey, Iana, Waze at Eros ang tatlong Cyros na babae.



"Graaararara!" sabi nung isang Cyros. (Mahihina!)


"Gurarara!" sabi naman nung isa. (Kaya nga!)



"Grarararara!" sabi pa nung isa. (Atleast gwapo!)


Nagulat sila Grey dahil nag-appear pa ang tatlong Cyros habang tumatalon kaya parang lumilindol.



"Kapag lalake ang Cyros, sa tyan pinapatamaan para mamatay. Pero pag sa babae..." sabi ni Iana at di nya tinuloy yung sasabihin nya.



"Ano?" tanong ni Grey.




"Fuck! Ayoko!" sabi naman ni Eros kaya naguluhan si Grey.




"Kadiri! Hindi ko kaya yon!" sabi naman ni Waze.



ERIS: The Ice QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon