Chapter 7: Princess Freya

46 1 0
                                    

Chapter 7: Princess Freya

Eris' POV

Nandito ako sa sulok habang nakaharap sila samin. Katabi ko kasi sila Athena at Eryss. Yung apat na bata naman ay naglalaro sa gilid. Nakaharap samin sila Iana, Alicia, Layzah at Gia.



"Athena, Eryss, sino ba talaga kayo? Kalaban ba kayo o kakampi?" Panimula na tanong ni Alicia.



"Depende. Basta ang loyalty namin ay na kay Santhe lamang. Wala ng iba." Sagot naman ni Athena.



"Pero sana 'wag nyong patayin si Santhe kahit sabihin nya pa." Sabi naman ni Eryss.


"Anong meron kay Santhe at sa Reyna? Magkapatid ba sila?" Tanong naman ni Layzah.



"Nope. They are one." Sagot naman ni Eryss.


"Eh yung kay Eris? Hindi ko maintindihan yun. Sabi ni Iana.



"Oo nga. Sabi ni Xenon kanina, peke ang katawan na yun. Paano naging peke? Hindi ba si Eris yun?" Sabi pa ni Gia.



"Si Mama Eris ang Reyna. Isa sa abilities ni Mama ay ang makapagmultiple at gumawa ng bagong anyo. Kaya nya rin lumipat ng ibang katawan. Kaya pinapatay ni Mama Santhe si Mama Eris dahil malapit ng maubos ang deadline ng katawan na yun." Paliwanag naman ni Mira.



"Kung ganon, nasaan na ngayon si Eris?" Takang tanong naman ni Layzah. Aish. They have a pure heart. Talagang naguguluhan lang sila sa mga nangyayari. Nangangailangan lang sila ng kasagutan.


I can trust them. I can tell them who I am. Napangiti ako na ikinagulat nila.


"Hayaan nyong magpakilala ako." Sabi ko at tiningnan nila ako.


"Makinig kayong mabuti sa kanya. At 'wag nyong ipagsasabi sa iba." Sabi naman ni Athena na ikinatango nila Alicia.



"Pero bago iyon, tatanungin ko muna kayo. Na kanino ang loyalty nyo? Nasa Reyna o wala?" Tanong ko sa kanila. Ang tagal nilang sumagot.



"N-Nasa Reyna." Sagot ni Gia at tiningnan sya nila Alicia.



"Gia?" Bulong ni Iana na narinig ko.



"Nasa Reyna ang loyalty ko. Dahil ako ang pang-13th guardian nya." Sabi nya na ikinagulat nung tatlo.



"Isa ka sa 27 guardians ng Reyna?" Gulat na sabi ni Iana.



"Oo. Sorry kung di ko agad nasabi sa inyo. Hindi ko kasi alam kung kalaban ba kayo ng reyna o hindi eh." Sabi ni Gia.


"Eh kayong tatlo?" Tanong ko dun sa tatlo.



"Na kay Eris ang loyalty ko. Bata pa lang kami ni Eris, kaibigan ko na sya. Kaya nasa kanya ang loyalty ko." Napangiti ako sa sinagot ni Alicia.



"Ganon din ako. Nagbago man si Eris dahil nasaktan sya, hindi pa rin nawala ang tiwala ko sa kanya. Yes, nakakatakot sya at parang kaugali nya ang reyna pero hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan." Sabi naman ni Iana.




"Ako din. Eris is our bestfriend. Tama si Iana, kaugali nya ang Reyna. Fierce sya at alam nyang malakas sya. Matapang din sya. Kaso may pagkacold din sya katulad mo, Santhe. Teka, Santhe?" Sabi ni Layzah kaya tiningnan ko sya.



"Ano?" Tanong ko sa kanya.




"Are you Eris?" Tanong nya na ikinangiti ko pa lalo.



ERIS: The Ice QueenWhere stories live. Discover now