Chapter 3: Queen Reign

64 2 0
                                    

Chapter 3: Queen Reign


Eris' POV


Nandito na ko sa loob ng office ni Headmaster kasama yung dalawang bata. I mean, kumpleto na kami. May mission na naman kasi kami.


"Pupunta kayo ngayon sa Gaia Town. Hahanapin nyo ang Pulang Dragon." sabi ni HM.



"Hahanapin na po si Mira?!" excited na tanong ni Ukina.



"Oo. Hahanapin na natin ang kapatid mo." sabi ni HM kay Ukina.



"Eh si Chitatsu po? Hindi pa isasabay?" pahabol pa ni Ukina.



"Next week sya. Kailangan nyo pa kasing paghandaan ang School Fest." sabi ni HM.



"Pwede po ba kaming makisali sa mga palaro?" sabi naman ni Yui.



"Oo naman. It's your free time, after all. Osya, dating gawi ha?" sabi ni HM.



Tumango kami at hinawakan ko yung dalawang bata at saka kami nagteleport pabalik sa room.


"Magdala lang kayo ng kailangan nyo ha?" sabi ko at tumango sila.


Naghanda na ko ng mga gamit ko at nagdala na rin ako ng mga baon na pagkain para sa dalawang bata. At magiging pangatlo na rin sila.


"Mama, tapos na po kami." napatingin ako sa dalawa. Kumunot yung noo ko dahil ang dami nilang dala.


Napansin ata ni Yui yun kaya nagsalita sya.


"May dala kaming mga pagkain, Mama!" sabi nya at napatango na lang ako.



Hinawakan ko yung bag nila at buti na lang at hindi mabigat saka ko binalik sa kanila. Sinuot ko ang bag ko at hinawakan ko ang kamay nung dalawang bata saka nagteleport sa labas ng school.


Buti naman at kumpleto na sila. Akala ko maghihintay na naman ako eh. Nagsimula na kaming maglakad at tinitingnan ko yung dalawang bata. Gusto ko sanang ngumiti kaso baka magulat sila.


"Eris." napatingin ako kay Gia. Napakunot yung noo ko dahil tinawag nya ko at nakisabay pa sa lakad ko.



"Sorry talaga sa ginawa ko noon. Nadala lang ako ng galit at inggit." sabi nya at tumango ako. I can feel it. Malinis ang kalooban nya. Nagsisisi na sya. Hindi naman kasi tama na lagi akong magalit. Nakakapanget daw yun, sabi ni Ukina.



"Okay na, Gia. Basta wag mo na lang uulitin kasi ikaw lang din ang mapapahiya." sabi ko sa kanya.


"Eris. Alam ko na kung sino ka." sabi nya kaya napatingin ako sa kanya at huminto.



"Alam mo na?" tanong ko. Sinabi siguro ni Black Phyton.




"Oo. Ikaw ang anak ng Reyna diba? Sabi ng mga ahas ko, may apat na anak ang reyna. At alam kong isa ka doon. Pero don't worry, hindi ko sasabihin sa kanila." sabi ni Gia at di ko mapigilang matawa.



"S-Salamat na lang." sabi ko at tumawa ng mahina.



"She's laughing."



"Shit! Tumatawa si Eris! Pakisapak nga ako at baka nananaginip lang ako!"



"Is she coming back?"



"That's great."




"Ano kayang sinabi ni Gia at napatawa nya si Eris?"


ERIS: The Ice QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon