Chapter 6: Kill Me

45 2 0
                                    

Chapter 6: Kill Me



Eris' POV


Dalawang araw na ang lumipas magmula nung namatay si 'Eris'. Or should I say, yung pekeng katawan ko. Si Erin ay ikinulong sa Crest Dungeon. Hindi sya makakalabas doon dahil naka-seal ang kapangyarihan nya at may nilagay din akong barrier. Sila Alicia naman ay parang nawalan ng pag-asa dahil daw namatay si 'Eris', ang kaibigan at ang 'Reyna'.


At napag-alaman ko na si Eros pala ay ang Protector of Happiness ko. Kaya pwede na ulit akong makaramdam ng saya. Alam na rin nya na ako ang reyna. Kaso nga lang lagi nyang hinihiling na buhayin ko si 'Eris'.


Tiningnan ko si Cray. Isa sya sa Protector ko. Nasa kanya ang emosyon ko na magmahal. Nalaman ko yun nung namatay si 'Eris'. Umamin sya na isa sya sa protector ko. Now that I found him, may chance pa kaya na magmahal ako ngayong isang linggo na lang ang palugit nila?



Papunta nga pala kami ngayon sa Gurin Onsen. Isa yung hotspring. Sabi ni Headmaster, kailangan daw marefresh yung utak namin. Para makalimutan yung nangyari kay 'Eris' dahil sa linggo na yung digmaan. Ang una at huling digmaan na pupuksain ng Reyna. Ang pinakahihintay na digmaan.


"Pagod na ko." Sabay na sabi nila Yui kaya tiningnan ko sila.



"Halika, Yui. Bubuhatin kita." Sabi ni Zen at lumapit sa kanya si Yui.



"Frio! Buhatin mo rin ako!" Sabi ni Chitatsu at lumapit kay Frio.



"Oo na." Sabi ni Frio at binuhat si Chitatsu.



"Hoy, Low Class. Buhatin mo ko." Utos ni Mira kaya natawa ako.



Si Haru. Galit sya sa reyna. Galit sya sakin. Kaya bakit sya pa ang napili?


"Ako na lang ang bubuhat sayo, Mira." Sabi ni Julian kaya sa kanya na lumapit si Mira.



May napansin akong umakyat sa likod ko. Si Ukina pala.


"Are you sad?" Bulong nya habang nakakapit sa leeg ko. Yung bag ko kasing dala na kay Julian.



"Hmm." Sabi ko at nagsimula na ulit maglakad.



"Zen, Frio and Waze loves you. Xenon knows you. Julian admires you. And Haru hates you. Do you think you can fall in love again, Mama? It's for you to decide who'll love you." Sabi ni Ukina at ngumiti ako ng pilit.



"I don't know, Uki. But I want to fall in love again. I want to feel that feelings again." Sabi ko.


"You will, Mama. I know you will." Sabi nya at ngumiti ako. Yung tunay na.








"Waaaaaah! Nandito na tayo!" Masayang sabi ni Athena. Malaya na silang maging totoo.



"Sa Mixed Bath tayo!" Sabi naman ni Eryss.



"Pero paano sila Ukina? Mga bata pa sila!" Sabi naman ni Layzah.




"Hindi naman nakahubad mismo maliligo, Lay. Nakatapis tayo 'no!" Sabi naman ni Iana.




"Buti naman. Halika na, magbihis na tayo!" Sabi ni Eryss at hinila ako ni Athena kaya sumunod na lang ako.



Pumasok kami sa binigay na room samin. Nilapag muna namin yung gamit at saka nagbihis. Nagsuot lang ako ng T-shirt na puti at isang short. Doon na ko magbibihis sa bihisan doon.


"Halika na, Santhe!" Sabi ni Alicia at hinila kami papalabas.



Pagkarating sa bihisan ay hinubad ko na ang suot kong damit at shorts. Iniwan ko lang yung strapless kong bra at panty saka nagtapis na. Tiningnan ko sila at nakatingin sila sakin.


ERIS: The Ice QueenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora