Why Can't I Have You? - Chapter 1

324 11 1
                                    

Why Can't I Have You?

Chapter 1

Hot Caramel Macchiato


Pain changes people.

Some in a good way while some in a not-so-good way.

In Enzo's case? The pain made him lose his focus. At para sa isang second year student ng Civil Engineering losing focus is definitely not an option.

Enzo once was a decent student. He was not an A-lister pero never pa rin siya bumagsak. Parating average ang grades niya at kung minsan ay nagiging top rin naman sa exams. Kaya naman Enzo being on the edge of failing his midterm is unusual.

It has been a couple of months since he lost focus on studying. Madalas ay inaantok ito sa klase o kaya naman ay absent. He'd rather sleep and stay in bed than go out.

And that seems to worry his Professor in Differential and Integral Calculus because after class he suddenly approached him.

"Enzo," Professor Ocampo called out by his first name dahil sila na lang naman din ang tao sa classroom.

Nilingon niya lang ito pero hindi niya sinagot.

"Are you having problems with my subject? Because you've been constantly failing my class even before midterms." The man was worried but Enzo's brain is somewhere else.

"I'm fine," he boringly replied at inayos na ang mga gamit niya. May dalawa pa sana siyang klase na susunod pero gusto na lang niyang umuwi.

"You can't afford to fail Mr. Villegas. Major subject ang hawak ko sa'yo, and as Architecture student importante ang magiging grade mo sa klase ko." Pigil nito sa kaniya.

Kung kanina ay bored lang siya, ngayon ay nagsisimula na siyang mainis sa professor niya. He was being extra dahil kaibigan ito ng mga magulang niya. Enzo feels that his concern was not really towards him but towards his parents. Mas lalo lang tuloy siyang naiinis.

He thought, so what if he failed? It was his choice.

"I can send someone to help you, a tutor perhaps-"

Pinutol na niya ang sasabihin nito. He doesn't need to hear it. Wala naman siyang balak kumuha ng tutor. "I don't need any kind of help." The idea alone is unbearable. Hindi naman na siya bata para kumuha pa ng tutor. He can study on his own, it's just that he doesn't want to dahil madalas lumilipad ang utak niya.

Hindi na niya hinintay pang mag-react ulit ang professor niya. Nagmamadali na siyang umalis sa classroom na 'yun at dumeretso sa tamabayan kung nasaan ang mga kaibigan.

Usually ay anim sila, but today tanging sina Brix, Nate at Angelo lang ang naabutan niya. At may kani-kaniyang pinagkakaabalahan ang tatlo.

"Where are the others?" tanong niya sa mga 'to na hindi man lang pinansin ang pagdating niya.

"Dy's with Alisha. Cyril's with whoever he wanted to be with, obviously the usual." Angelo replied with a bored yawn. Angelo Sy is a second year BS Tourism student and Enzo's cousin. Sa kanilang lahat ito ang pinakaapproachable kaya ito rin ang pinakamaraming kaibigan.

Natahimik silang apat. Mga wala sa mood. Ewan nila kung sadyang nakakatamad lang talaga ang araw na 'yun o nahawa sila sa negative vibe na daladala ni Enzo. Awkwardness almost filled the air.

It was Brix who decided to break the silence. "Any news?" Brix Zyron Montez, the oldest of them all. He is currently taking up Medicine kaya naman kahit na medyo malaki ang agwat nito sa kanila ay nag-aaral pa rin ito sa University na pinapasukan nila. Sa lahat ng Med students na kilala ni Enzo, si Brix na yata ang maraming oras dahil nagagawa pa nitong tumambay kasama nila.

Why Can't I Have You?Место, где живут истории. Откройте их для себя