Why Can't I Have You? - Chapter 8

157 9 4
                                    

Why Can't I Have You?

Chapter 8

As long as it makes you happy


Bumubuhos na ang ulan pero hindi 'yon nararamdaman ni Heart. Namanhid ang buong sistema niya sa narinig. Parang isang nakakatawang joke pero hindi niya magawang matawa. Hindi niya maintindihan ang mararamdaman.

"I like you, Heart." Ulit ni Enzo sa sinabi nang hindi pa din binibitawan ang kamay niya.

Parang nawalan ng lakas si Heart na mag-salita. Hindi man lang siya makapag-react sa sinabi ng lalaking ito sa harapan niya. Matutuwa ba siya? Maiinis?

Para namang nararamdaman ni Enzo na hindi pa naabsorb ni Heart ang confession niya kaya nagpatuloy siya, "I don't know how. I don't know why. I don't know when." He breathed, parang nangatog ang sistema ni Heart. "All I know is that I do, I do like you."

"I-i..."

Pinutol na ni Enzo ang kung ano mang gustong sabihin ni Heart, "You don't have to say anything right now. Hindi ko naman hinihingi na gustuhin mo din ako, I just want you to know."

"I have to go," Ang tanging nasabi ni Heart. She can't do this right now. She needs time for herself to process all this. Para iabsorb ang sinasabi ni Enzo. At para i-sort out ang totoong nararamdaman niya sa sinabi nito. Kailangan niyang may maiconfirm sa sarili.

"Ihahatid na kita." Enzo offered pero alam ni Heart na hindi ngayon. It's too soon.

"No, I need space... and air." Sabi niya rito. Totoo namang kailangan niya ng hangin. Parang sumisikip ang dibdib niya sa presensya ni Enzo. Parang naooverwhelm siya na hindi niya maipaliwanag.

Hindi naman na ipinilit ni Enzo ang sarili. Heart was thankful na naiintindihan nito na kailangan niya ng time. Hindi naman porke sinabi nito na gusto siya ay tatanggapn niya agad, mapapatawad niya agad ito. She wants to be sure, to take things as slow as possible.

Tinulungan na lang siya ni Enzo na kumuha ng taxi. Medyo nahirapan pa nga sila dahil basa na sila parehas ng ulan. Mabuti na lang may isang mabait na taxi driver na tinanggap si Heart kahit basa na ito.

Bago siya sumakay ay isinuot sa kanya ni Enzo ang bomber jacket nito. Tinanggap na din ni Heart dahil nilalamig na siya. "Mag-ingat ka."

"Thanks," Ani Heart at sumakay na siya sa taxi.

"I'll see you tomorrow." Sabi ni Enzo bago isara ang pinto ng taxi.

Hindi na inisip ni Heart kung ano bang ibig sabihin nito na magkikita sila bukas. Masyado na siyang madaming iniisip ngayon, ayaw niya naman na sumakit ang ulo niya sa sobrang pag-iisip. Parang sa sandaling nag-usap sila ni Enzo natambakan siya ng halo-halong emosyon.

Kahit madaming iniisip hindi niya pa din nakalimutan na magtext kay Nate at Gelo. Nagpalusot na lamang siya na mabilis siyang pinauuwi ng mommy niya sa bahay kaya hindi na siya nakapag-paalam ng maayos. Ayaw naman niyang mag-alala ang dalawa dahil hindi na siya nakabalik sa party. Heart knows it's kind of rude na bigla na lamang siyang umalis sa party pero alam niya sa sarili na hindi na din naman siya mag fufunction ng maayos sa harap nila Nate. Malamang ay usisain pa siya nito.

Buong byahe, hindi maiwasan ni Heart na paulit-ulitin sa utak niya ang sinabi ni Enzo.

***

She tried with all her might na ialis muna sa utak niya ang mga nangyari kagabi. Kailangan niya mag-focus sa klase. Ayaw naman niyang pati pag-aaral maapektuhan. Sinisipon na nga siya kaya medyo distracted na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why Can't I Have You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon