Why Can't I Have You? - Chapter 4

111 12 3
                                    

Why Can't I Have You?

Chapter 4

Just Maybe


After class ay dumeretso kaagad si Heart sa unit ni Enzo for their tutoring sessions Unfortunately, mukhang wala pa ito dito. She rang the doorbell half a dozen times pero walang nagbubukas ng pinto. Kaya naghintay na lang siya sa labas. Medyo malamig pa naman sa corridor kaya parang natritrigger ang sipon niya. Simula p kaninang umaga pakiramdam niy magkakasipon talaga siya, dahil siguro sa ulan kagabi.

Wala naman siyang magawa kung hindi maghintay na lang. Wala siyang cellphone number nito para sabihin kay Enzo na nandito na siya o para itanong dito kung nasaan na ba ito. She would not even dare having his number or giving him hers. So whenever this – whatever this is – ends, she won't have any connection with him anymore.

She decided to stay half an hour at pag wala pa din ito, uuwi na lang siya. She settled herself on the floor, sa tabi mismo ng pinto ng unit ni Enzo. Wala namang tao sa hallway kaya okay lang na maupo siya sa sahig nito.

Mabuti na lang at ilang minuto pa lang siya na nakaupo ay nakita na niyang parating na si Enzo. He was staring at her with his eyebrows furrowed.

And his first words were, "What the fvck are you doing there?"

Wow. What a great way to greet you tutor, Heart thought to herself.

Hindi talaga mapigilan ng lalaking ito ang pagmumura niya.

Tumayo na si Heart mula sa pagkakaupo sa sahig habang sinasagot ang tanong ni Enzo, "I was waiting for you. Hindi ko naman alam na wala ka pa, you didn't tell me you'll be home late."

"I had classes till 4." Maikling sagot nito habang binubuksan ang pinto ng unit siya. Sumunod naman kaagad si Heart pagkapasok niya sa loob.

"You know may suggestion ako," Simula ni Heart habang papasok sila sa loob ng unit ni Enzo, "Bigyan mo na lang ako ng schedule ng classes mo para naman alam ko kung anong oras ako dapat pumunto dito." She paused for a while after saying that, hoping to get a decent response. Pero hindi na siya nagulat noong hindi man lang siya sinagot ni Enzo at dumeretso ito sa loob ng kwarto. Malamang magbibihis ito.

Pinatong ni Heart ang mga gamit sa center table at naupo sa carpeted floor.

Paglabas ni Enzo ng kwarto nakablue shirt ito at black shorts. Binuksan muna ni Enzo and TV at inilipat ang channel sa HBO bago umupo sa couch malapit sa pwesto ni Heart.

Kinuha ni Heart ang book na nasa table at hinanap niya ang page kung saan sila natapos sa tutoring kahapon. "Read these pages then try to answer these problems." Pinakita niya kay Enzo 'yung problems na ginawa ni kagabi bago matulog. "Afterwards kung may mali saka na natin pag-arala. Hindi ka naman mahihirapan dyan for sure. You know your math, you're just lazy." Turo ni Heart na may kasamang snide comments. Wala naman siyang pakialam kung mainis ito sa sinabi niya. Totoo naman kasi.

Enzo respondend at her by shooting daggers at her direction before actually starting to read. Hindi na lang ito pinansin ni Heart dahil para itong batang nagtatantrums dahil pinilit mag-aral.

Nag-focus si Heart sa pagrereview dahil may upcoming long quiz sila sa isang subject. Kanya-kanya muna silang buhay ni Enzo habang parehas silang busy.

"Done." Binalik ni Enzo sa kanya 'yung questionnaire na pinasagutan niya. Chineck ni Heart ito, Enzo got 12 over 25. Mukhang madami silang kailangan aralin ngayon, Heart thought. Medyo wala pa naman siya sa mood ngayon dahil sa nagbabadya niyang sipon.

"Hey! Bakit 12 lang? I think I got everything right. You have to recheck this." Object nito sa kanya habang inaabot pabalik sa kanya ang papel. Nakataas pa ang kilay nito na parang naghahamon. "Go on, re-check it."

Why Can't I Have You?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant