Why Can't I Have You? - Chapter 6

98 11 1
                                    

Why Can't I Have You?

Chapter 6

Katsaridaphobia


Dahil sa naging unusual at surprising conversation nila ni Enzo last time, hindi na siya nagkaroon ng second thoughts na bumalik ulit sa unit nito. Mukha namang sincere ito sa pagsosorry at hinanap pa talaga siya nito. Siguro din dahil parang hinahanap-hanap niya ang amoy nito. Natawa siya sa sariling thoughts.

"You seem to have a talent of amusing yourself," Enzo interrupted.

Nilingon siya ni Heart. Enzo was busy eating his Triple Chocolate cake habang siya naman ay kumakain ng Red Velvet Cheesecake. Kanina kasi tumawag pa ito sa phone niya para itanong kung anong flavor ng cake ang gusto niya. Nagulat na lang siya ng meron ngang isang slice ng cake para sa kanya pagdating niya. He was being so nice. Malapit na siyang maconvince na may good side talaga ito.

"May naalala lang," Palusot niya. "Finals na next month, do you still want me to tutor you o tapusin lang natin hanggang 2 weeks na eksakto?" Tanong niya. Hindi niya alam kung saan niya ba nakuha ang alok na ito. Ang initial na usapan lang naman kasi ay 2 weeks lang talaga.

"If you insist, ofcourse I would want some help sa exams." Sagot naman ni Enzo.

Tumango lang si Heart. Great, dati gusto niyang madaliin ang araw para matapos na ang usapan nila. Ngayon pinahaba niya pa ito? Hindi niya din maitindihan ang sarili.

"Bakit may pa-cake ka today?" Tanong ni Heart.

"Birthday ko."

"What? Really?"

"Joke lang."

Sumama ang tingin ni Heart, "Ano nga kasi?"

"Birthday ko nga."

"Weh?"

Enzo gave her the cheekiest smile, "Hehe. Joke lang nga."

"Pang-asar naman eh," Natatawang sagot ni Heart. Marunong nang magbiro sa kanya si Enzo. Mukhang tama nga, nagwawarm up na nga ito sa kanya. At mukhang siya din ay nagwawarm-up na din siya dito. "Bakit nga kasi may pa-cake?"

"I had a craving for chocolate cake and I remembered you are coming so I bought you one too."

"Thoughtful ha," Asar ni Heart kay Enzo pero hindi naman ito nagreact. "Saan mo 'to binili?"

"Dyan lang. That'll be 180 pesos pala."

"Eh?"

"Joke lang."

Napailing na si Heart, kanina pa ito joke ng joke ah. Sobrang good mood yata nito. "Whatever, let's just go back to business." Pagdivert ni Heart ng topic. Baka kung saan pa mapunta ang pagjojoke na ito ni Enzo, baka hindi pa sila makapagtutoring.

"Okay then," Pag-agree naman ni Enzo. "But, can you do me a favor and put the plates on the sink?" He asked politely so Heart just nodded. Maayos naman itong nagsabi so okay lang sa kanya.

Habang nagliligpit si Heart ng mga plato na pinagkainan nila ng cake hindi niya maiwasang mapatingin kay Enzo. Half of her is suspicious nab aka may something shady itong gagawin kaya mabait ito sa kanya ngayon. Sobrang good mood nito talaga, parang nakakapanibago.

Dinala na niya sa kitchen ang mga plato. Malinis ang sink at walang kahit anong nakalagay dito kaya nahiya na siya at hinugasan na din niya ang mga kinainan nila para naman walang masabi si Enzo. After putting the dishes on the rack, she dried her hands at bumalik na sa living area.

Why Can't I Have You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon