Why Can't I Have You? - Chapter 7

87 13 1
                                    

Why Can't I Have You?

Chapter 7

Persistent


Heart is having dinner with Nate sa isang Japanese restaurant. Saturday ngayon at walang pasok si Nate kaya inaya niya ang bestfriend.

Sumama na din si Heart, madalang na din silang makapagcatch-up ni Nate. At isa pa, libre daw nito. At isang mahigpit na pagkakamali ang magpass sa panlilibre ni Nate, dahil baka ilang siglo pa ang hintayin mo bago ito ulit mangyari.

"Ang tagal naman ng service nila dito, nagugutom na 'ko eh," Reklamo ni Nate.

"Nahiya naman ako sa'yo, yung order mo nga pang-dalawang tao." Tukso sa kanya ni Heart. Pero totoo naman kasi. Umorder na ito ng Shrimp tempura with rice, may gyoza at ramen pa ito.

Ngumuso lang naman si Nate. After all, sanay naman siya sa tuksuhan nilang magkaibigan. Mas nakakapagtaka pa para sa kanila pag hindi sila nag-aasaran.

"Bakit ka ba nanglibre ngayon? Nanalo ka na naman ba sa pustahan?"Usisa ni Heart sa kaibigan. Usually kasi pag nanglilibre ito, 'yun ang dahilan. Alam ni Heart ang tungkol sa nagsisimulang hobby ni Nate na drag racing pero wala siyang guts na panoorin ito. Alam niyang delikado, kahit pa sabihin na praktisado si Nate, nag-aalala pa din siya. Ilang beses na din niya itong sinabihan pero sadyang matigas ang ulo nito.

"Uwi ka na nga sa inyo, nilibre na nga nagtatanong pa eh. Ayaw mo ba?"

"Grumpy naman, baka mamaya pagtapos ng dinner mag-aya ka ng inom ha. Ayaw ko mag-uwi ng lasing." Sabi niya rito.

Umiling si Nate, "Loko. Gusto mong pulbusin ng daddy mo 'tong macho kong dibdib pagnaglasing ako at hindi kita naiuwi sa inyo ng buo?"

Natawa sila parehas. Isa si Nate sa mga pinagkakatiwalaang lalaki ng daddy ni Heart. Dahil na din siguro kilala ng tatay niya ang mga magulang ni Nate kaya madali itong maisusumbong pag may ginawang kalokohan. Dahil dito, kahit paminsan na tinutukso siya sa ibang lalaki, Nate has been protective of Heart since maging teenager sila. Nasanay na lang din siya, para na din naman kasi silang magkapatid.

"Bakit nga kasi bigla kang nagpadinner?" Ulit niyang tanong. For sure may reason din kahit papano. Kilala niya ito eh. Either may gustong ishare, may problema o may gustong itanong.

"Kumusta ba kayo?" Seryosong tanong ni Nate.

Medyo nag-alangan siya na sumagot. Halos mautal pa nga siya, "N-nino?"

"Gelo," Sambit ni Nate na may nang-aasar na tono.

Nakahinga si Heart ng maluwag at mahinang natawa, "Para kang sira. Nagpadinner ka para 'don?"

"Ano nga? Nililigawan ka ba?"

"Hindi."

"Weh?"

"Hindi nga!"

"Eh ano lang?"

"Friends."

Binatukan ni Nate si Heart ng mahina, "Friends mo mukha mo. Ano nga kasi?"

"Alam mo para siyang ikaw eh," Ani Heart.

"Pogi?"

"Sira!" Tawang-tawa na sabi ni Heart. Ang hilig kasi talaga bumanat ni Nate ng ganito. Mga banat na maipilit lang. "Parang comforting lang, masaya kasama, parang kapatid."

"Seryoso?" Parang hindi makapaniwalang sabi ni Nate. He was expecting more. Dahil para sa kanya, papasa si Gelo kung sakaling magpapaalam ito na liligawan si Heart. Alam niya kasing mabait ito.

Why Can't I Have You?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang