Why Can't I Have You? - Chapter 3

114 11 1
                                    

Why Can't I Have You?

Chapter 3

Two weeks


Enzo doesn't know what has gotten into him last night when she talked to Heart. Hell, he even apologized. Marahil dala na din ng alak at kung ano mang kakaibang aura na meron ang babaeng iyon sa suot niya kagabi. Hindi naman kasi niya napapansin ang itsura nito sa ilang beses na nagkita sila. Naisip niyang baka nahighlight lang din ng suot ang itsura nito. Nakaayos kasi ito kahapon.

Nainis pa siya na masayang masaya itong nakikipag meddle sa mga kaibigan niya pero pag napapatingin sa kanya ay nakasimangot ito. Dagdag na din ang guilt noong malaman niya ang totoong nangyari sa kapeng natapon sa harap ng pinto ng unit niya. Kung tutuusin siya pa itong may kasalanan at atraso kay Heart.

Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pumayag ito sa inuutos ni Mr. Ocampo sa kanya. He knows something is up kaya naman hiningi niya sa nanay niya ang number nito and reasoned out na kailangan niya lang ng advise sa research. Hindi naman na gaanong nagtanong pa ang Mommy niya at binigay sa kanya agad ng cellphone number ni Mr. Ocampo.

He immediately dialled his number and waited for him to pick-up.

"Hello, who's this?" Sagot nito from the other line.

"It's Enzo, listen whatever it is that you have against that girl. Quit it. I already told you I don't need a tutor." Walang preno na sabi ni Enzo. Wala na siyang pakialam. Gusto niya na lang matigil ang kalokohan na 'to.

"Well," Medyo natigilan ata ang kausap niya sa kabilang linya. Parang tumagal ng ilang Segundo para ma-digest nito ang natanggap na tawag. "She's not doing it for free naman hijo."

"You're paying her?" Takang tanong ni Enzo.

"No, your Dad is." Simula ni Mr. Ocampo. "She's a tourism student and your Dad offered an intership and possible work opportunity for her at any airlines she desires."

Napatulala si Enzo sa narinig. Hindi niya alam na ganoon kalaki ang involvement ng Daddy niya sa sitwasyon. Ang buong akala niya sinumbong lang siya ni Mr. Ocampo sa Daddy nya at pinilit na pinahanapan ng tutor. Hindi niya inakalang may malaking offer pala ang tatay niya sa babaeng iyon. Enzo admitted to himself na kahit siya malamang hindi niya matatanggihan ang offer na iyon . Suntok sa buwan kumbaga ang opportunity na dumating kay Heart.

"You guys are so messed up," Tanging nasabi niya kay Mr. Ocampo bago niya putulin ang linya. Naiinis siya sa mga ito. Sa pagiging pakialamero nito masyado sa buhay niya at sa pagdamay kay Heart sa sitwasyon niya.

Mas naging malinaw ngayon kay Enzo ang eagerness ng babae na turuan siya kahit na unang pagkikita palang nila halata naman na hindi sila magkakasundo.

Halos kainin na tuloy siya ng guilt.

Napapailing niyang kinuha ang susi ng sasakyan at lumabas ng bahay.

*

Wala siyang klase ngayon pero nasa University siya. Naghihintay sa parking lot, nagbabaka sakali na makita niya si Heart. Pakiramdam niya malulunod siya sa guilt sa lahat ng nalaman simula pa kagabi. Alam naman niya sa sarili na hindi naman siya masamang tao kaya parang nahahabag siya sa mga nagawa niya. But in his defense, most of it was unintentional.

Inabot din siya ng isang oras sa paghihintay, sabi pa niya sa sarili another 30 minutes nalang ay aalis na siya at uuwi na lang. Sa ibang araw niya naman aabangan ang babae. Bukod kasi sa hindi niya naman alam ang room nito, hindi din naman siya sigurado kung may pasok ba ito ngayon sa University.

Why Can't I Have You?Where stories live. Discover now