Why Can't I Have You? - Chapter 5

113 13 1
                                    

Why Can't I Have You?

Chapter 5

Unfamiliar


Days have passed at tahimik ang buhay ni Heart. She was glad of course, nabawasan ang load ng gawain niya. Pero at the same time ay nanghihinayang din siya, naka ilang araw na din sila ni Enzo. Sabi nito 2 weeks lang at icoconvince na nito ang tatay niya para ibigay internship sa kanya. Unfortunately, all her efforts went straight to the trash. Kung sana lang hindi nagpaka-asshole ang lalaking iyon.

But being optimistic, she perked herself up by thinking that she is now stress-free. Meron naman sigurong ibang paraan para makakuha ng internship sa malalaking airlines, kahit hindi na sa U.S. Airways Inc. Basta magandang airlines din, hindi na siguro masama. If plan A did not work, madami pang ibang plans. Sa ngayon, magfofocus na lang muna siya sa studies niya. "Tama!"

"Anong tama?" Biglang napalingon sa kanya si Aya ng magsalita siya. Katatapos lang ng final exams nila kaya naglalakad na sila quadrangle, papunta sa main gate ng school. 

Heart's eyebrows furrowed, "Anong sinasabi mo?"

Aya stifled a laugh, "Ikaw nga ang bigla biglang nagsasalita dyan. Nakakatakot ka na ha! May nakikita ka bang hindi ko nakikita?"

She was about to answer 'no' noong may nakita siyang apat na lalaki na papunta sa direksyon nila ni Aya, so instead she unconsciously answered, "Yes".

Nanlaki naman ang mata ni Aya sa narinig. Halos mapalo pa nito si Heart sa braso, "Fudge you Heart! 'Wag ka kasing manakot!"

Pero hindi na naintindi na ni Heart ang sinasabi ni Aya dahil kasalukuyan na siyang natataranta siya na iwasan ang mga paparating na lalaki. "Aya, let's get out of here." Hila niya sa kaibigan pero nagmamatigas naman ito. Naiinis na siya. Okay lang sana kung si Nate lang 'yung parating, kaso kasama pa nito ang taong ilang araw na niyang iniiwasan. Kasama nito ang taong ayaw na ayaw niyang makita.

"Hoy Heart ayoko nga! Pagkatapos mong manakot dadalahin mo ako sa kung saan, mamaya niyan murderin mo pa ko." Pagmamatigas pa din ni Aya habang hinihila niya ito paalis.

"Ang lakas mo naman, dati ka bang lalaki?" Naiinis pero na naatatwang tukso ni Heart kay Aya. Inirapan lang naman siya nito. "Halika na kasi Aya, malapit na sila."

Napuno bigla ng confusion ang mukha ni Aya, "Sino bang-" napahinto si Aya paglingon niya at biglang naexcite. "Omg! Si Cyril!"

"Aya!" Awat ni Heart pero huli na.

"Hi chiks!" Kumaway si Cyril kay Aya at Heart bago ito tuluyang makalapit sa kanila. Wala na, nakita na sila ng mga ito. Useless na din kung iiwasan pa nila, masyado nang halata.

Kumaway na lang din si Heart sa kanila. Lumapit naman si Nate sa bestfriend at umakbay, "Kumusta?"

"Fine. Tapos na exams niyong tatlo?" Oo, sinadya niyang tatlo lang ang banggitin niya. Wala naman siyang pakialam sa isa pang kasama nito.

Mukhang hindi naman napansin nila Nate ang sinabi niya dahil sumagot lang si Cyril, "Psh sisiw. Kinandatan ko lang professor ko pasado na 'ko." Pagyayabang ni Cyril kaya natawa naman silang lahat, except for Enzo na mukhang galit sa buong universe.

"May exam ka pa today?" Biglang tanong ni Gelo nang makalapit ito kay Heart.

Umiling siya, "Tapos na kaninang 3PM." Pagkasagot niya doon lang naalala ni Heart ang usapan nila ni Gelo noong inihatid siya nito minsan sa bahay nila.

"Free ka na?" Tanong ulit kaagad ni Gelo.

Bigla namang nag-ingay ang mga kasama nila. Si Nate, Cyril at si Aya.

Why Can't I Have You?Where stories live. Discover now