Special Chapter 2: Demi Samaniego

2.7K 87 15
                                    

Demi Samaniego

Sa estado ko pagkalabas ko ng building ng Empire Zero, hindi ko na sigurado kung paano ko pa nagawang mag-isip. Hindi ko sigurado pero parang biglang dahil alam ng puso ko na kailangan kong lumayo, sumangayon ang utak ko at bigla na lang nagbigay ng mga lugar na pwede kong puntahan.

"If things get too hard, run to me. I know your family's standing on unstable waters now. Kapag nahirapan ka nang maging Montellado, 'wag mong kalimutang may dugong Saavedra ka rin."

Those where kuya Iñigo's words that suddenly flashed through my mind while my heart was shattering into millions of tiny pieces. Words that made me remember where my best options was. And that led me here. In the lion's den. Saavedra Estate.

Isang linggo na akong nandito. Not once did I went outside. Not that I have the reason to. Wala rin kasi ako sa mood. Gusto ko na lang magkulong sa malaking malaking mansyon ng mga Saavedra.

Katulad ng mga Montellado, the Saavedra's have their own estate. Bukod ang lugar ng mga magulang sa mga anak. Ang mga pinsan ko ay may sariling mansyon dito sa estate kung saan sila nakatira.

"What will you name the twins, Demi?" Tanong ni kuya Iñigo pagkalabas noong family doctor na nag-check up sa akin. Nakasandal si kuya sa may hamba ng pintuan at seryosong nakatingin sa papel kung saan nakasulat iyong mga niresetang vitamins sa akin nong doktor. "Kaninong last name ang ipapagamit mo?"

Hindi ako kaagad nakasagot. I sucked a breath in because if I'm afraid tears would fall if I wouldn't. Kaninong apelyido nga ba ang dapat kong gamitin? Montellado ba? O Samaniego?

It was no doubt the twins were both Timothy's. They should have his surname. Pero tama pa ba? We'll seperate ways na rin naman. Sooner or later, kapag napirmahan na ni T iyong annulment papers ay hiwalay na kami nang tuluya. Aalis din naman kami agad ng bansa as soon as the twins were allowed to fly in a plane. Siguro dapat, Montellado na iyong ipagamit ko na apelyido ng kambal.

Dahil hindi naman ako lumalabas ay halos wala rin akong magawa. Minsan ay nagbe-bake ako ng cookies o kaya ay cupcakes. Natuto akong mag-bake noong desperado akong balikan ako ni T kaya kung ano anong pagkain ang niluluto ko para dalhin sa kanya. Na itinatapon niya rin lang naman. Naisip ko pa na siguro, kaya pinilit ko rin na matutong mag-bake ay dahil magaling doon si Ivana. Maybe in a way, I want to show T that I can do whatever Ivana can. Maybe subconsciously, I was trying to compete with her. Kahit ano pala talagang protectiveness na meron ka para sa kaibigan, pagdating sa taong minamahal mo, matatanga ka rin. Katangahan kasi iyong ituring na ka-kompitensya iyong kaibigan lalo na kung para sa lalake rin lang naman. Pero ginawa ko pa rin, in a way. Tanga nga siguro ako.

Sa tuwing naaalala ko iyong pagpapakatanga ko sa kanya ay natatawa na lang ako nang pagak. Parang ang tagal tagal na simula noong nangyari iyon kahit ilang linggo pa lang naman iyong lumipas matapos akong umalis. Siguro ganoon talaga kapag walang balita sa mundong nasa labas ng mansyon. I decided to detach myself from the rest of the world. Ayoko munang makibalita sa kanila. Ayoko munang malaman na masaya na si T sa iba. Hindi ko pa kaya, eh. Kaya ganito na lang muna. Gusto ko munang mapag-isa. This way, I' ll have more time to prioritize myself and the twins.

"You're going to pop your kids out any day now, Demi." Nakangiting sabi ni ate Venice. She's keeping me company in my room since I can't really walk on my own now. "You better decide on names na. Baka mamaya kung ano pang ipangalan ni kuya Iñigo diyan sa mga anak mo."

"Ano po bang maganda, ate?" I asked. Lahat noong mga pangalan na naisip namin ni T ay hindi ko na gagamitin. Gusto kong magsimula ng panibago kaya dapat ay walang impluwensya ni T ang kahit anong aspect ng buhay nila.

"Okay, let me help you think." Umupo si ate Venice sa kama paharap sa akin. "Ano ba para sa 'yo ang mga anak mo?"

"They're my treasures." I answered without hesitation. Ate Venice smiled like she was proud of me.

"You'll be a great mom, Demi." Ate said with a warm smile. Gusto ko tuloy maiyak. Ewan. Basta gusto ko lang.

Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas iyong pinto at pumasok si France.

"Ate nakita mo ba 'yong periodic table ko?" She asked. France was a chemist. Siya iyong tumutulong sa production ng pharmaceutical company ng mga Saavedra kasama si Ate Venice na isa namang chemical engineer. "Hiniram mo ba?"

"Ah, yes." Bahagyang inangat ni ate Venice iyong sarili niya sa kama para makuha sa kanyang bulsa iyong periodic table of elements ni France. "Here."

Lumapit si France at kinuha iyon bago siya nagpasalamat at lumabas na rin.

"I don't even know what she need that for. Memorized niya na iyon pero hinahanap niya pa rin? Weird." Nagtatakang sabi ni ate Venice. Gusto ko sanang sabihin na mas weird iyong memorized ni France iyong periodic table pero pinigil ko na lang iyong sarili ko. Sinabi ko na lang iyong idea na pumasok sa isip ko upon seeing the periodic table.

"Alam ko na kung anong ipapangalan ko sa kambal, ate."

"Ano?" Excited na sabi ni ate Venice. Ngumiti ako sa kanya ng matamis.

"Au and Ag."

*****

EZH: Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon