Special Chapter 5: Ada

2.1K 98 47
                                    

Ada

-----

I love kids. Walang duda doon. Kaya kong mag-pasensya ng matagal pero ngayon nadi-discover ko sa sarili ko na baka hindi talaga ganoon kahaba ang pasensya ko.

"Gold, stop doing that!" Sigaw ko nang makita ko ang babae sa kambal ni sir Timothy na ginugupit ang dulo ng mahabang buhok ni Aouie. Ako ang pinagbantay sa mga bata dahil busy ang mga magulang. Iyong mga babae ay busy magplano ng joint first birthday party para kay Justice at Jestle. Magka-birthday kasi iyong dalawa kaya sabay na rin ang celebration. Ang mga lalake naman ay busy gumawa ng pera.

Speaking of mga lalake, magagalit si sir Asher! Sinadya nga non na 'wag pagupitan si Aouie kasi ang ganda ng buhok nito tapos gugupitin naman ni Gold!

Dahan dahan kong inagaw kay Gold ang kulay pink na gunting na ikinabusangot nito sa akin. Bumaling ito sa body guard niyang nakatayo sa gilid ng playground nilang lahat.

"Stop her! She's terrorizing me!" Tili ni Gold. She's what? Seven? Saan niya natututunan iyang mga sinasabi niya?!

"What happened here?" Sigaw ni Abcde. Nakalapit na ito kina Gold at Aouie na naka-upo sa swing kung saan nagaganap ang gupitan. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa lupa kung nasaan iyong mga buhok ni Aouie na nagupit na ni Gold. Kaunti lang naman, halos split ends nga lang yata ni Aouie ang nagupit. But Abcde's OA like his father. Lahat ng simpleng bagay, iba ang meaning sa kanya. "Gold, did you cut Aouie's hair?"

Umirap si Gold. She even groaned.

"And so? She have a lot of hairs left pa naman. What's the big deal?" Mataray na tanong nito. Itinulak siya bigla ni Abcde.

"Don't touch my sister's hair! Dad told me to protect my sister's hair from witches like you!" Sigaw ni Abcde kay Gold na napa-atras nang bahagya dahil sa pagkakatulak sa kanya ni Abcde. Si Aouie naman ay inosente ang tingin sa kanila na para bang nagtataka kung bakit nag-aaway iyong dalawa. Ni hindi niya yata napansin kanina na ginupitan siya ni Gold. Pinaghalong sir Asher at ma'am Miggy 'yang si Aouie, eh. Nagmumukhang walang pakialam kasi kapag nag-focus siya sa isang bagay, doon lang ang atensyon niya. Hindi niya na napapansin ang paligid. Bumaba sa duyan si Aouie at nagtatakbo palapit kina Pexel at Einz na naglalaro sa may sand box.

Tingnan mo 'tong si Aouie, imbis na pigilan ang kuya niya na makipag-away, hinayaan lang. Nilayuan pa. Mana talaga sa pinagmanahan, eh.

Kapag ganitong nag-aaway sila, pinapabayaan ko lang. Bilin din kasi iyon sa akin ng mga magulang nila. Hayaan ko lang daw para matuto silang magmahalan. Ewan, di ko gets ang logic. Sinusunod ko na lang. Basta pipigil naman iyong mga body guards nila kapag nagkaka-pisikalan na. They each have one. Iyong triplets nga ay lima ang guards. Maliligalig, eh.

Sasagot pa sana si Gold nang muntik na naman siyang matumba dahil sa naghahabulang triplets na dumaan kung nasaan sila. Sumabit pa sa daliri ni triplet number one iyong kulot na dulo ng buhok ni Gold kaya tumili agad ito at mabilis na hinablot ang kawawang si triplet.

Alam ko naman ang pangalan nilang tatlo kaso ay nalilito pa rin talaga ako kung sino ba sino. Kaya One, Two at Three ang tawag ko sa kanila.

"You butthead!" Tili ni Gold. Itinulak nito si One na agad namang natumba. Umiyak ito dahil siguro nasaktan. He was just two years old. Of course masasaktan 'yan.

Napatingin ako sa body guard ni One na agad namang lumapit at inawat ang dalawa. Pati iyong si Two ay lumapit na rin. Galit na binelatang ni Two si Gold habang pinapatahan ang umiiyak niyang kapatid.

"Where's Three?" Nagtataka kong tanong nang mapansin kong dalawa lang sa triplet ang nasa playground.

As if on cue ay bumukas ang gate at pumasok ang tatlo pang body guards. Buhat ng isa sa kanila ang nagwawalang si Three.

"Tumakas na naman, Ada." Sabi ni Gino. Si Gino dati ang head of security sa Empire Zero pero ngayon ay sa pamilya na siya mismo nagta-trabaho. Ayaw na ayaw kasi nina sir na ikuha ng yaya iyong mga anak nila kaya imbis na yaya, mga body guards ang meron sila. Iyong mga body guards ang nagsisilbi nilang yaya. Ang mga ito ang naghahatid at sumusundo sa mga batang pumapasok na sa school. Pati pagpapa-kain sa mga bata ay sila rin ang gumagawa. Pagpapaligo lang ang hindi. "Buti at nakita kaagad ni Eric."

I sighed. Pinasalamatan ko si Gino bago ko sila pinaki-usapan na pigilan si Gold dahil parang may balak pa rin itong masama sa triplets.

Ako na ngayon ang mayordoma sa estate ng mga may ari ng Empire Zero. Noong tinanggap ko iyong trabaho, hindi ko inakalang magiging ganito iyon kahirap. Sina Jasper, Silver at Gold pa lang naman kasi ang mga bata noon dito. Pero ngayon, ang dami na!

There's Abcde, Aouie, Pexel, Einz, Jestle, Justice, Liberty, ang solong anak ni sir Kal pati na rin ang triplets.

Para na rin kaming may maliit na bahay ampunan dito sa estate.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng playground. The kids were playing, living their lives like how a child would. Iba iba ang kanilang mga ugali pero nakakaya naman nilang magkasundo dahil na rin sa magandang parenting ng mga may ari ng Zero. Maswerte ang mga batang 'to dahil naging magulang nila iyong mga parents nila. I watched their parents when they went through the hardships that almost tore them apart. Pero ganoon nga siguro talaga.

If it's meant for you, it's yours. No matter what conflict life would throw your way, if someone was destined to be yours, you would always end up with him. Kung para sa 'yo talaga iyong tao, kahit ano pang mangyari, kayo pa rin talaga sa huli.

Marami akong natutunan sa lahat ng pinagdaanan ng mga taong nagsilbing amo at pamilya ko na rin.

Napangiti ako habang pinapanood ang mga bunga ng pagtatagumpay nila sa laro ng pag-ibig.

These kids, someday, they would also have their own love story to tell. Something purely theirs.

I wish that they would all find happiness like their parents did.

-----

EZH: Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon