Special Chapter 6: Demi Samaniego

2.2K 99 46
                                    

Demi Samaniego

-----

"Good morning po, ma'am."

Nginitian ko ang guard ng BTS University. Tipid na ngumiti rin ito pabalik bago sinenyasan si T na pwede nang ipasok ang kotse sa loob. T clicked his tongue in his mouth.

"That guard is really friendly with you, huh?" He said bitterly. Napatawa ako nang pagak.

"Yes, he is." Hinarap ko si T at nginisian. "Selos ka?"

T scoffed.

"Ako?" Itinuro niya pa ang kanyang sarili gamit ang kamay niya na hindi nakahawak sa manibela. He was driving with his left one only, which made him ten times hotter than he really was. Bagay na kahit kailan ay hindi ko sasabihin sa kanya. T scoffed again before he banged his hand on the steering wheel. "Sobra."

Pinanlakihan ako ni T ng dalawa niyang mga mata na ikinatawa ko nang malakas.

Si T, seloso pa rin talaga hanggang ngayon, hindi na nagbago.

Mabilis na nakapag-park ng kotse si T. Bumaba ako agad at nilakad ang pamilyar na path way papunta sa bulding kung nasaan ang mga classroom ng mga first year high school.

Today was Gold's third Monday in this university. Nag-aalala si T sa unica hija niya, kahit kunyari marami lang siyang free time, kaya pinipilit niya akong dalhan si Gold ng pagkain tuwing lunch.

My daughter... she's really like me. Palaban. Kaya nga na-expelled siya sa EU, eh. Partida, nanay pa ni Caspian ang may ari ng EU. Ganoon na kalala si Gold na kahit ang koneksyon namin sa mga Hernandez ay hindi na sapat para hindi siya matanggal sa EU.

She's like me, pero siguro mas palalain lang ng ten times. Kamalditahan ko na hinaluan ng ka-demonyohan ni T. Ewan ko ba. Parang lahat ng masamang ugali namin ni T, napunta kay Gold. Total opposite kay Silver na hindi lang nakapagpasa ng paper on time ay akala mo end of the world na.

Hindi namin alam kung saang school dapat ilipat si Gold kaya sobrang relieved talaga kami dahil nag-offer ang mga Delafuente na pwedeng sa school nila ilipat ang pasaway kong anak. Balita ko ngayon, hindi lang siya ang naghahasik ng lagim dito. Kaya siguro wala pa kaming nababalitaan na may ginawang gulo si Gold dahil hindi na lang siya ang nag-iisang pasaway. Isa rin daw iyong anak nina Jin at Scarlet Gail na classmate ngayon ni Gold. Baka natatabunan ng mga kalokohan niya iyong sa anak ko. Buti naman.

Huminto ako sa harap ng classroom ng anak ko at sumilip sa loob. May salamin na part iyong pinto kaya kita ko ang loob, at the same time ay kita rin ako ng mga nasa loob. Patunay lang iyon nang bigla na lang tumayo si Gold at excited na nagtatakbo palabas ng classroom kahit pa nagdi-discuss pa iyong teacher.

"You came!" Sigaw ng anak ko bago niya ako dinamba ng yakap.

"Of course." Ngumisi kaming dalawa sa isa't isa. Kapag ganitong ngumingisi si Gold, feeling ko nagkapalit sila ni Silver ng genitals. Si Gold talaga yata dapat iyong lalake. Not that Silver was super soft, no. My son was as manly as his father. But Gold was... Gold was rough. Too rough for her gender.

Mabilis lang na ibinigay ko iyong lunch box ni Gold bago kami nagyakapan. I kissed my daughter's forehead. Pinabalik ko na rin siya agad sa loob. Pero siyempre pinagsabihan ko muna na mali iyong ginawa niya. She promised that she wouldn't do it again. Which I doubt. Dalawang linggo na laging ganito, eh.

Imbis na dumiretso agad palabas ay sa wash rooms muna ako dumiretso. I quickly walked out after doing my business there. Nadaanan ko ulit iyong classroom nina Gold. The door was opened so I decided to take a peek and see my daughter. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita kong eksena. Gold was sitting on her teacher's desk, her lunch laid out in front of her, while two of her female classmates stood at the other side. Nakapamewang ang dalawa habang nakatingin sa anak ko. Mabilis na binundol ng kaba ang dibdib ko.

Pamilyar itong ganito. Nangyari na rin iyan sa akin.

Was my daughter getting bullied?

Nagtaas ng kilay ang isa.

"First year high school ka na, dinadalhan ka pa ng mommy mo ng binalot." Mataray na sabi nito. "Ano ka, bata?"

I was about to go to my daughter's aid when she spoke. Turns out, I don't need to protect her after all.

"Inggit lang kayo kasi ako, mahal ako ng mommy ko. Eh, kayo? Hindi siguro." Ngumisi ang anak ko, matalim ang titig na ikinalunok ng dalawa. "Kaya kayo nagpapa-pansin sa akin kasi walang pakialam sa inyo mga magulang niyo."

Galit na nag-martsa paalis ang dalawa. Hindi na nakaganti pa sa sinabi ni Gold.

She could protect herself perfectly.

Bakit nga ba ako nagduda sa kanya? Eh kaya nga siya napatalsik sa EU ay dahil tatlong laboratory na iyong nasunog niya, eh. She can easily cause a fire. I'm sure she can burn her bullies like they're nothing. Figuratively, syempre.

Proud na napangiti ako. Hanggang sa makabalik ako sa sasakyan ay ang laki ng ngiti ko. Gold really was something else.

And she's my daughter.

*****

EZH: Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon