Special Chapter 13: Jasper Lacsamana

1.4K 47 41
                                    

Special Chapter 13: Jasper Lacsamana

-----

Busy ang mga tao sa estate. The triple A's birthday was getting near and our moms, as always, were getting nuts in preparation. They were always busy doing their own thing but when it comes to our birthdays, they were suddenly jobless.

Our dads couldn't understand them. I couldn't understand them. Hilig na nilang mag celebrate nang ganyan e nung bata pa naman ako parang di sila nagbi-birthday kasi wala namang celebrate celebrate.

Maaga akong nagising kaya napanood ko ang isa isa sa mga bata bumaba. We stayed in the manor again. Parang dito na nga kami talaga nakatira at hindi sa kanya kanyang bahay namin.

We prefer here since di kami masyadong mapakialaman ng mga magulang namin dito. Pwera na lang kung sasadyain talaga nila kaming susutin. Parang si Tito T lang. Lagi na lang binubugnot si Silver.

The first thing Aouie did was to cuddle beside me. Ni hindi siya sa kusina dumiretso para kumain ng breakfast. She was still in her silk pajamas and her hair's a total mess. Pansin ko rin na parang nangingitim ang ilalim ng mga mata niya.

I frowned. She looked... puyat. The hell was she getting sleeplessness from?

"You look wakeful." Nagtatakang sabi ko na may halong inis. Aouie whimpered, alam na mapapagalitan siya. Itinulak ko nang kaunti palayo sa akin si Aouie na ayaw alisin ang mukha niya sa dibdib ko. "Aouie, let go."

She grunted.

"Why." She whined. "My head hurts."

Lalong kumunot ang noo ko. Bakit napuyat 'tong babae na 'to? She's thirteen, for fucks sake!

I sighed. Sumiksik ulit sa akin si Aouie. Hinayaan ko na lang at baka umiyak pa.

That was how minutes later, halos nakahiga na ako sa sofa with Aouie tucked on my side like a koala bear.

Isa isa na ring bumaba ang iba pa. Gold went straight to the sofa next to us kasunod si Einz, parehong mga naka t-shirt at akala mo'y hubo at walang salawal sa sobrang iksi ng boyleg shorts nila. Ilang beses ko na pinagsabihan ang mga 'yan pero ako pa ang napagalitan ni Daddy.

Si Silver ay sa kusina duniretso. Pagbalik sa sala ay may dalang dalawang plato ng breakfast. Inipalag niya ang mga 'yon sa harap nina Gold at Einz.

"Kumain na ba 'yan?" He asked, pointing at Aouie sleeping in my arms.

Umiling ako.

"Fell asleep as soon as she sat here and coddled me." Sabi ko na tinanguan lang ni Silver. Naupo siya sa tabi ng kakambal at nag focus na agad sa cellphone niya.

Malapit na akong mainis sa kakaantay. Abcde was still upstairs at siya ang gusto ko talagang makausap. Bakit niya ba hinayaan na mapuyat ang kapatid niya? He knew Aouie gets a little more sensitive kapag puyat o kaya ay gutom.

Nang sa wakas ay bumaba na ang si Abcde, kumpleto na kami sa sala at gising na rin si Aouie. Kumakain na rin ng breakfast ang iba pa at bukas na ang malaking flat screen t.v.

Hinayaan ko munang makakuha ng pagkain si Abcde bago ko siya kausapin.

"Bakit napuyat 'tong kapatid mo?" Tanong ko kaagad. Tumaas ang kilay ni Abcde. He was fourteen now, nakakaintindi na ng Tagalog. Pero minsan ay pahirapan pa rin talaga. Si Aoiue nga ay hindi pa rin marunong mag Tagalog hanggang ngayon though nakakaintindi na rin naman.

Kumunot ang noo ni Abcde bago siya tumingin sa kapatid. He nudged Aoiue's side with his foot.

"Hoy, you're wakeful?" Tanong niya. Tumango si Aouie. "Why?"

EZH: Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon