Special Chapter 3: Timothy Samaniego

2.6K 111 40
                                    

Timothy Samaniego

-----

From the moment we committed ourselves to the women of our lives, we vowed to give them all what they wanted.

We gave them wealth, even if they didn't ask for it.

We gave them beautiful kids, even if they complained about how hard it was to be pregnant.

We gave them all the basic physiological needs to survive.

Lahat ng iyon, ibinigay namin sa kanila nang walang reklamo.

Itong bagay na ito lang siguro, sa isang 'to lang kami nagkamali.

"Daddy!" Malayo pa lang ay rinig ko na ang malakas na tili ng anak ko. Tumatakbo na ito papalapit sa akin hila hila ang kanyang de-gulong na bag. I crouched down and readied myself for the impact.

Incoming in 3... 2... 1...

Sumalpok sa akin si Gold na agad kong binuhat kahit pakiramdam ko ay nawala lahat ng hangin sa baga ko. Itong habit siguro na 'to ni Gold ang papatay sa akin.

"How's school?" Tanong ko kay Gold na agad isiniksik ang mukha sa leeg ko. "Did you have fun?"

Sumighot lang si Gold bago marahas na umiling. Dinampot ko iyong bag niya na natumba na sa sahig dahil basta na lang binitawan.

I sighed. Anong gulo na naman kaya ang napasukan ng batang 'to?

"Where's kuya?" Nagtatakang tanong ko nang ilang minuto na ay wala pa ring Silver ang lumalabas sa kanilang classroom.

"Pununtahan si Aouie." Ungot ng anak ko.

"Let's wait for them, then." Hinimas-himas ko ang likod ni Gold na ramdam kong hindi mapakali sa bisig ko.

I was fetching the kids today. Ang tinutukoy kong dapat hindi namin pinayagan ay itong ganito.

Our wives demanded a day off from us. Every two months ay pumupunta sila sa Batangas nang silang pito lang at iniiwan sa aming pitong ama ang mga bata. Kami ang bahala gumising, magpaligo, magpakain, maghatid sa school at sumundo sa kanila. The job was a fucking pain in the ass. Ang gugulo noong mga anak namin. Well, anak nila since iyong anak kong lalaki ay akala mo pader na hindi makausap kapag wala sa mood. Ito namang si Gold ay hindi rin gaanong maingay though mas gugustuhin ko pa na mag-ingay siya. Gold's silence means she's into something that's either trouble or inappropriate.

"What's wrong baby?" Tanong ko kay Gold nang i-alis niya ang kanyang mukha sa pagkakasubsob sa leeg ko. She was pouting. Gold doesn't really pout. She scowls. Akala mo lalake.

Kunot na kunot ang noo ni Gold.

"Inaway na naman ako ni Trinie!" Sumbong nito sa akin. She was talking about Trinity Alearde, iyong batang lagi niyang kaaway. "She said mahal ko raw mga ugly people!"

Sinuklay ko ang natural na kulot sa dulo ng mahabang buhok ng anak ko. Unlike her mom, Gold's hair was only curly at the ends. Tuwid na kulot sa dulo. Si Silver iyong kulot talaga sa kanilang dalawa. Speaking of Silver, tanaw ko na ang anak kong naglalakad habang hawak hawak sa kamay si Aouie na umiiyak. Nasa likod ng dalawa sina Abcde at Pexel na hila hila iyong mga bag nilang apat.

I've always thought that Aouie's still too young to be at school. Magfo-four years old pa lang siya next month pero dahil ayaw pumasok ni Abcde sa school na hindi kasama iyong kapatid niya ay napilitan sina Asher na i-enroll na rin si Aouie. Silver and Gold were two years older than Abcde and they're in grade one. Sina Abcde at Aouie ay nasa kinder pa lang kasama si Pexel.

"Gold, that's not right." Mahinang saway ko sa anak kong lalo nang sumimangot. I cupped both of her cheeks and made eye contact with her. Gold's already six. Kaya niya nang maintindihan ang mga sinasabi namin. I could drill some manners into her now. "Appearance shouldn't be the basis of love. Kahit hindi maganda o gwapo para sa 'yo ang isang tao, you should love them. Mahalin mo ang kapwa mo. Tao rin sila kagaya mo."

"But daddy---"

"Do you understand?" I asked in a stern voice. I need Gold to know that I was serious. Yes, I spoil her a lot but I weren't into raising a disrespectful child. Gusto kong lumaking may respeto ang mga anak ko.

"Yes dad." Nakasimangot pa rin sabi ni Gold.

"Prove it to me." Taas kilay kong utos.

"I love Silver, isn't that proof enough?" Sabi ni Gold na ikinatawa ko nang malakas. Maldita rin talaga itong anak ko, mana sa pinagmanahan.

"Are you implying that your twin's ugly?" Natatawang tanong ko. Ngumisi lang si Gold at nagkibit-balikat.

Saan ka nakakita ng six years old na ngumingisi? Right, anak ko lang.

I gathered the kids and guided them to the parking lot kung nasaan iyong HIACE na dala ko. I opened the sliding door and motioned the kids to climb up. Iyong mga body guards naman nila ang kumuha sa kanilang mga bag at isa isa nang isinakay ang mga iyon sa likod ng van. Nag-away pa sina Gold at Silver sa pag-aagawan kung sino ang uupo sa unahan. In the end, Gold won. Hindi rin naman kasi matiiis ni Silver iyong kakambal niya.

Si Jasper ang huling sumakay sa van. He's in grade three. The oldest among the kids. Agad nitong tinabihan si Aouie na hanggang ngayon ay humihikbi pa rin. I tried bribing her with food earlier, pero wala. Mga kuya niya lang talaga ang nakakapag-patahan sa kanya.

The drive home was uneventful. Busy ang mga bata na kainin iyong mga fries na dala ko para sa kanila. Sinusundan ko lang sa harap iyong sasakyan ng mga body guards nila. Our kids don't have their own nannies, ayaw naming maulit iyong nagyari kay Asher noon sa mga anak namin kaya hangga't pwede ay hindi talaga kami kumukuha ng yaya. Iyong mga maskuladong body guard ang nagsisilbing yaya ng mga anak namin.

Pagdating sa sa bahay, sinalubong na kami nina Asher at Jareth. Kanya kanya na silang kuha sa mga anak nila. Pexel's father was upstairs. Probably taking care of Einz, Pexel's little sister.

Pangalan pa lang ng magkapatid, halata na kung sino ang mga magulang.

Only six kids go to school, iyong iba ay sobrang bata pa. Busy ang mga ama nilang alagaan sila habang ako na iyong nagpakain sa mga galing school. Even Jareth was busy with his three month old baby.

Noon, hindi ko akalaing papayag ako sa ganito. But life has weird, varied ways of teaching a grown up person what he should have learned as a child.

Maraming nangyari sa aming pito. Lahat kami, sinubok ng panahon. But we were at the point of our lives now that nothing can take us down.

Pwera na lang sa anak ni Jareth. Brutal pa rin si Jasper, eh.

*****

Walang sense 'tong chapter na 'to ano bang problema ko.

EZH: Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon