Special Chapter 4: Starr Villaflor

2.5K 93 14
                                    

Starr Villaflor

-----

Isang linggo matapos makalabas si Asher sa ospital ay ang unang beses na nabuo kami ulit matapos iyong mga nangyari. Simula kasi nong umalis si Miggy at nagpunta sa Davao, hindi na kami nagka-sabay sabay.

Wala si Miggy, walang gana si Asher kumain, may trabaho sina Kal at Timothy, parating wala si Hope dahil busy siya kay Ivana na hindi na rin halos pumupunta sa condo. Si Jareth naman ay may kung anong inaasikaso na wala sa amin ang nakaka-alam kung ano. Alam kong wala rin idea si Kal doon dahil kaharap nila ako nang itanggi ni Jareth na may pinagkaka-abalahan siyang hindi alam ni Kal.

Kaming mga babae ang nagluto. Kahit si Demi ay tumulong din, siya iyong tumitikim ng mga putahe. Kung matatawag bang tikim iyong isang platito ng chapseuy.

Nang maihanda namin iyong simpleng lunch, naupo na kaming lahat sa malaking pabilog na mesa. Hindi kami kasya kung doon kami sa condo kakain kaya nag-decide sila na dito kami sa mansyon nina Storm. Ang hirap makapasok dito, ang daming security.

Nag-desisyon akong magkamay. Matagal ko na rin 'tong gustong gawin ulit, lalo na doon sa isla kasi puro sea food doon, kaso ay nagpipigil ako dahil sa mga burgis na kasama ko. Kami kami lang naman dito ngayon at kilala naman na nila ako talaga kaya siguro ay wala namang papansin at sisita sa akin.

Akala ko lang pala.

"Don't you know how dirty our hands are?" Tanong sa akin ni Caspian na naka-upo sa kaliwa ko. Nakaka-offend iyong tingin niya sa kamay kong may kanin, sa totoo lang. Di ko lang siya masisi talaga kasi naiintindihan ko naman. Kaso iyong mga sinabi niyang sunod di ko na masundan. Penge science book please. "Millions of bacteria lives on our hands, lalo na sa fingers. Tapos magkakamay ka kumain. Magiging cause yon ng pagkakasakit. You can get--"

"Nawawalan ako ng gana sa mga pinagsasasabi mo Caspian." Masama ang tingin na sabi ni Timothy bigla. Dinuro niya si Caspian gamit iyong tinidor niya. "Hayaan mo 'yang ampon ni kuya na magkamay kung gusto niya. Sariling kamay niya naman ang gagamitin niya. Hindi naman 'yong iyo. Ang dami mong nasasabi, eh."

Nanlaki ang mga singkit na mata ni Caspian at pansin kong mas humigpit iyong hawak niya sa kutsara at tinidor.

"But kuya that's not the point--"

"Hindi ko inaalam kung anong punto mo. Ang sinasabi ko manahimik ka. Mahirap intindihin?" Tanong ni Timothy. Hindi ko alam kung pwede ba akong magsalita para depensahan ang sarili ko kasi ako naman iyong naka-kamay o dapat manahimik na lang ako kasi si Timothy iyong kasali sa usapan.

"'Yan, napapasa na sayo paglilihi ni Demi, iritado ka na naman." Kunot ang noo na sabat ni Kamahalan na busy sa paglalagay ng ulam sa plato niya dito sa tabi ko.

"Di pa naman buntis si Demi dati lagi na iritado 'yan si kuya sus ano bang bago." Sabi naman ni Asher na nakayap kay Miggy na naglalagay ng pagkain nila sa isang plato.

"Mukha niyong tatlo mababago kapag di kayo nanahimik." Final na sabi ni Timothy. Nanahimik sila kasi wala na, may nanalo na.

Tumayo ako at lumapit sa lababo para mag-hugas ng kamay.

Sabi ko nga magku-kutsara na lang ako, eh.

*****

Di ko 'to nasama kasi akala ko walang importance tapos ngayon sinusulat ko mga next chaps nong kay Kal tsaka ko lang naalala bakit ko ba 'to sinulat HA HA HA.

Okay.

EZH: Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon