Chapter 6

944 18 0
                                    

*Daniel's sub-POV*

Eto na naman tayo eh. Sa akin napatapat si Hertz. Na nasugod na din. Na may alagad na rock golem. Uh-oh. Nag-iba pakiramdam ko nang sumusugod ako palapit. Parang may nag-bu-burning sensation sa katawan ko. Biglang na-out of control ako at kung ano-anong pinagsasabi ko

*Third Person POV*

"Magna Burst!" tumalon si Daniel, biglang nagburst ang dalawang palad ng deadly white beams. Nagdirediretso ang liwanag kay Hertz. Nag-command si Hertz, "Earth Guard!" biglang may dalawang higanteng rock hands na nag-trap kay Hertz. Tumama ang mga beams sa mga bato pero hindi ito nadurog.

"Stealth Rock!" biglang sumabog ang mga kamay na bato at nag-cause ng medyo stun brought by dust. Biglang nagsipaglutangan ang mga nadurog na piraso ng mga bato at nagsipagliparan kay Daniel. Unti-unting sinugatan ng mga bato si Daniel. Tumayo nang maigi si Daniel.

"Judgment Slaughter!" tumakbo si Daniel nang mabilis, werewolf fast, patungo kay Hertz para sugudin. Biglang umimik si Hertz, "Void Pitfall!" pero nag-counter si Daniel, "False Move!" lumindol lang nang mahina at wala nang nangyari. Tuloy pa rin ang pagsugod ni Daniel at tinakedown si Hertz. Talsik si Hertz ng mga 100 meters away.

"Heaven Pierce!" command ni Daniel at biglang umulan ng mga kutsilyong nakakonekta ng kadena sa lugar kung saan napatigil si Hertz. Biglang hinila ng langit ang mga kadena... na nakasaksak sa dibdib ni Hertz. Hinila ng mga kadena si Hertz sa kalangitan. At ibinagsak sa kalangitang nakapantay kay Daniel.

"SHINING NOVA!" sigaw ni Daniel sabay labas ng wings niya. Nagburst out ang wings niya ng powerful beam of light. At biglang sumabog. Ang katawan ni Hertz. Allegedly. Umulan ng mga pebbles. Agad sumigaw si Hertz, "Ground Puppeteer!"

May lumabas na dalawang higanteng kamay gawa sa bato. Hindi napansin ito ni Daniel. "Huh?" Hinila ng kaliwang kamay ang upper part ng katawan ni Daniel habang sinusubukan ng kanang kamay na hiwalayin ang lower part nito. Inistretch ng mga kamay ang katawan ni Daniel na parang rubber.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!" sigaw ni Daniel na nagtitiis ng sobrang sakit. Nang biglang. CRACK! Binali na ng mga kamay ang katawan ni Daniel. Itinapon na ng mga kamay ang nagkahiwalay na katawan ni Daniel. #medyobrutal

"Heh, done with you," evil smirk ng hypnotized na si Hertz. Bigalng umimik si Daniel... twice as loud, "Not really." Tumayo na ang dalawang Daniel. Sumugod yung Daniel na nasa kanan saying, "Judgment Slash!" Biglang na-alert yung isang Daniel sabay hila sa nasugod na copy. "Teka, wag naman. Nililigtas natin si Hertz, hindi pinapatay all again," sabi nito.

*Daniel's POV*

I'm back to my senses. At hawak-hawak ko ang braso... NI DANIEL?! I mean, ako?! I mean, hawak ko ang sarili kong braso?! TEKA, ANO BA?! Baliw ka na, Daniel. GISING! Okay, I'm back to my senses. I made a copy of myself.

"Light of Redemption!" sigaw naming pareho. Naging all bright white ang balat at katawan namin. Naglabas ng kung ano-anong atake si Hertz pero wala itong effect sa amin. At sa wakas, mga 2 meters away... nag-fuse na ulit kami nung copy and out into a full white running douche. Hahaha. I ran into Hertz' body. And pushed the hypnotizing element lying in him.

[Book 4] Mysteries of Jansport High School: Batch of 20 Lost Memories || WILL BE EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon