CHAPTER FIVE

35 7 0
                                    


YHUV'S POV

Aakyat na sana ako ng hagdan ng nakita kong pababa na sina Trix at Gael. Agad ko namang nakuha ang atensyon nila ng nakita nila akong nakatanaw na sa baba. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Psh! Bwiset! Nang nakababa na sila , agad na kinunotan ako ni Trix. Nagulat naman ako sa naging reaksyon niya.

" Bakit ang tagal mo?" nagtataka ang tono ng boses niya.

" Ahh.. Sorry hinanap ko pa kasi yung susi sa bag ko e..." pagsisinungaling ko.

" Ng ganun katagal?." nakataas na kilay aniya.

" May kumausap din kasi sa aking estudyante e... Sorry." WAAHHH! Di ba convincing! Yari!!!

"Ok lang, Yhuv! Nag-enjoy naman kami sa pag-uusap e." ani Gael

" Ganun ba?" Kumamot pa ako sa ulo " Ano? Tara na?" anyaya ko pa sa kanila.

Sabay-sabay kaming naglakad palabas. Hinatid pa namin si Gael sa gate kung saan naghihintay ang sundo niya. Nagpaalam pa kami sa kaniya bago nagtuloy sa daan namin. Tahimik lang kami ni Trix sa paglalakad. Huhuhu!! This is awkward... Nahalata niya kaya? Fudge! Sabihin ko na kaya... Psh! Baka magalit siya! Wag na! Oo wag na lang!

Wala pa rin kaming kibuan hanggang sa marating namin ang village ko. Nakatayo kami ngayon sa gate. Ako na ang bumasag sa katahimikan namin.

" Aaahh.. Trix salamat sa paghatid." nakangiting sabi ko. Tumingin lang siya sakin. Oiii! Wala namang ganyanan! Huhuhu

" Sige, una na ko." ani Trix

" Hmm... Sige! Ingat!" tinapik ko pa siya sa balikat at nginitian.

Tinanguan niya lang ako at nakatalikod na kumaway sakin paalis. Tinanaw ko pa siya hanggang sa di ko na siya makita. Mabilis akong nakarating sa bahay, sinalubong agad ako ni Nanay Pileng.

" Iha, di ka ba kakain? Naghanda ako ng panghapunan mo." bungad niya sakin.

" Di na po Nay Pileng, busog pa po ako." nginitian ko lang siya at dumiretso na ko sa kwarto ko.

" Sigurado ka ba iha?" nag-aalalang tanong niya.

" Opo..." sagot ko.

Narinig ko pang tawagin niya ko, pero nagpatuloy lang ako sa pag-akyat. Isinara ko ang pinto ko at pabagsak na nahiga sa kama.

" WAHHHH!!! ABNORMAL NA LALAKING YUN! BWISET SYA!!" Pinapalo palo ko pa ang kamay ko sa kama at pinapagpag ko pa ang paa ko. Nakakainis talaga ang araw na to. Tsk! Maya-maya'y tumigil ako. Nag-iisip.

" Ha! Bakit ko naman inaalala yun? Psh! Tama na nga! Kakalimutan ko na lang yun. Tsk!" tumayo ako sa kama at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay natulog na rin.

When Hate Turns Into LoveWhere stories live. Discover now