CHAPTER 11

32 7 0
                                    


TRIX'S POV

Naglalakad kaming pito papuntang clinic. Hindi sumama sa amin si Alexis, dahil kinausap pa niya yung baliw niyang gf. Samantalang, wala pa ring malay itong si Yhuv. Humanda ka lang talaga sa aking babae ka. Tss..

" Sana hindi ganun kalakas ang pagkabagok ni Yhuv." nag-aalalang ani Gael, habang hawak ang kamay nito.

" Tsk! Ang tapang makipag-away, lampa naman." wika ni Loyd habang bitbit pa din si Yhuv sa kaniyang bisig.

" Sus, Loyd. Akala ko ba galit ka dyan? Bakit ikaw pa talaga tong nagbitbit sa kaniya?" nakangising ani Mark.

" Kaya nga, akin na nga ako na." saad nitong si Rayle na malawak pa ang ngiti.

" Tigilan niyo kong dalawa ha, ako ang mas malapit sa kaniya kanina. Kaya, ang bastos naman kong hindi ko pa siya tulungan no." depensa nito.

" Tss.. Pwede ba bilisan niyo ang paglalakad. Kalalaking tao ng mga to daig pa ang babae kung rumampa. Tandaan niyong may pasyente tayo." naiirita nang wika ko.

Ang babagal kasi nila! Bwiset.

" Yeah, guys. Dalian na natin nagsusungit na naman itong si Ms, Sungit." natatawang ani Brylle, sinamaan ko siya ng tingin at huminto naman.

Nagulat naman kami ng biglang hablutin nitong si Jinx ang braso ni Gael. Pansin ko lang na kanina pa yan tahimik, simula pa nung nasa canteen pa lang kami. Binaliwa ni Jinx ang nagtatakang tingin namin sa kaniya dahil nakapokus ang paningin niya sa kamay ni Gael. Kaya, hindi na rin namin maiwasang mapahinto at tumingin din rito.

WHAT THE HECK!

" Anong nangyari dito, Gael?" magkasalubong na kilay na ani Jinx.

" A-ah, e.. Sorry. Dumudugo na pala." pamemeke nito ng ngiti.

" Tsk! Ano bang nginingiti mo dyan? Sabihin mo napano yan?" naiinis nang ani ni Jinx.

Galit ba to?

" Chill, bro. Nasasaktan si Gael." ani Rayle. Humihigpit na kasi ang pagkapit nito sa braso ni Gael.

" Eeh.. Kasi, may nabasag pala na baso dun sa tabi ni Yhuv kanina. Nagmadali kasi akong lumapit sa kaniya, hindi ko na napansin na naipatong ko doon ang kamay ko." pagpapaliwanag nito. " Pero Ok lang ako, wag kayong mag-alala." dagdag pa ni Gael.

When Hate Turns Into LoveWhere stories live. Discover now