CHAPTER 12

11 7 0
                                    


TRIX'S POV

Nakakatuwa lang na sa dinami-rami ng malas na nangyari ngayon ay nagagawa pa rin naming ngumiti. Pano ba naman kasi, puro sira-ulo tong kasama ko. Maingay pero masaya. Magulo pero nakakaenjoy, kahit papano nababawasan ang stress na naiisip ko.

Narating na namin ang gate ng eskwelahan na ito. As usual maraming mga mata ang nakamasid sa amin, parang mas dumami nga lang dahil kasama namin ang mga heartthrob na to. Maraming nagtataka, nagulat, kinikilig at nakabusangot sa amin, pero wala akong pakialam. Hindi ko pinilit ang mga to na sumabay sa amin pag-uwi. Kusa silang sumabay sa amin, feeling close nga.

Nagsipaaalam naman na ang bawat isa. Kiniusap ko naman din na si Yhuv na baka hindi na talaga kami makapagsasabay pag-uwi dahil may pinag-kakaabalahan nga ako. Syempre naging OA nanaman siya at kung ano-ano ang iniisip, wala e malawak talaga imahinasyon nito e. Sa huli, pumayag rin siya at napagdesisyunan na kay Gael na lang siya sasabay. Mabuti na rin yun para safe siya pag-uwi.

Nilakad ko lang ang daan papuntang cafe. Kaya naman talaga siyang lakarin kung gugustuhin ko. Medyo malayo nga lang, pero Ok na rin para ma-exercise ang mga binti ko. Pagkarating ko'y unti pa lang ang mga tao, at hindi pa naman ganun kabusy sa loob. Nakipag-usap lang ako kay Jai at pumasok na rin sa staff room para magbihis ng maid suit ko. Tsk! Bakit ba kasi kailangang nakapalda pa? Lagpas pa ng tuhod ko! Tss.. Nahihirapan tuloy akong gumalaw.

Medyo matagal din ako sa loob, pinipilit ko pa ring ibaba ang paldang to na suot ko kahit alam kong hanggang dito na lang ang kaya niya. Lumabas ako ng staff room at nakita naman agad ako ni Macy.

" Hindi na yan hahaba pa kahit anong gawin mo." ani nito ng makalapit sa akin. May hawak pa itong tray sa kanang kamay niya.

" Hayy.. Alam ko. Hindi lang talaga ako sanay na nakapalda." nawawalang-pagasang tugon ko.

" Anu ka ba naman, Trix! Ang cute mo kaya sa suot mo no." magiliw na sabat ni Jai sa lukuran namin.

" Atsaka, maganda ka naman Trix. Wag mo ng problemahin yan." ani Maiko na napadaan lang para iabot sa kalapit naming table ang drinks ng mga ito.

" Yeah.. " tanging naiusal ko, dahil puro na pambobola ang naririnoig ko sa kanila.

" Tsk! Anong tinatayo niyo dyan? Go back to work, dumadami na ang costumers." ani Ren sa bossy na tono.

Tinawanan lang siya ng mga kasama ko at napangiti na lang ako, daig niya pa kasi si manager magsuway samin. Nakakatuwa. Sakto namang tumunog ang bell sa pinto na palatandaang may darating na ulit na costumer. Kaya dali-dali ko itong nilapitan at yumuko ng bahagya.

" Welcome home, Mast—." naputol ang sasabihin ko ng mag-angat ang tingin ko sa taong nasa harapan ko ngayon.

Nang mapagtanto kung sino ito ay kusa nang nalaglag ang panga ko sa gulat.

Anong ginagawa ng lalaking to dito? Inaasar ba talaga ako nito? Grr!!

" Oh, thank you." inosenteng aniya na nagpabalik sa aking wisyo.

Iginaya ko siya sa table at pinagbigyan ng upuan. Walang alinlangan naman siyang umupo duon.

Feel na feel! Ayos din!

" Can I get your order, Master?" pilit na ngiti ang sumilay sa aking mukha. Prente lang siyang nakatingin sa akin na animoy may hinihintay pa akong sabihin.

Kumurba naman ang inis sa aking sentido ng hindi pa rin niya maalis ang tingin sa akin.

ANO BA!!?

" Tshh.. Can I see the menu list?" ani Kei na ikinawindang ko.

Tanga! Bakit nga ba hindi ko pinakita ang menu? Tsk! Kaya pala di siya makaorder.

When Hate Turns Into LoveWhere stories live. Discover now