CHAPTER SEVEN

44 7 0
                                    


KEIRHON'S POV

Pagkatapos ng praktis namin ay nagpatawag ng meeting si coach, nagpaalam naman ako na pupunta sa CR. I'm a varsity player of Basketball Team. Maaga kaming nagpraktis dahil two months from now ay interhigh na. Naghugas lang ako ng kamay at nagpunas ng pawis masyado kasi akong napagod sa ten laps na ginawa ko kanina dahil late ako. Medyo natagalan ako bago lumabas ng CR nagulat na lang ako ng biglang nagvibrate ang phone ko. Nang nakita ko ang caller ay hinayan ko na lang iyon.

Nakasalubong ko si Coach ng parating na ako sa loob. May kausap siya sa phone at mukhang seryoso ito kaya dinaanan ko na lang siya. Nakarinig naman ako ng pagtaatalo pagdating ko duon. Nagkukumpulan ang mga ka-team mate ko at tila may kinakausap.

" Ha! And you're gonna regret it! Brat!" boses ni Loyd ang narinig ko.

At sino namang kaaway nito?

Naglakad lang ako papalapit sa kanila.

" Lower your voice, Loyd. 'Babae yan." malumanay na ani Brylle. Captain namin.

" I don't care!" halatang naiinis na sabi nito.

Si Mark naman ang nagsalita at kita ko siya na nagbigay ng nakakalokong pagngisi. Tshh... Kahit kailan talaga...

" Oii... Magkakilala kayo?"

" WE'RE NOT!" Naghuhurumentadong tugon ng dalawa. Nagkatinginan pa sila at pareho ring tumalikod.

Babae? Babae ang kaaway ni Loyd? Hmm... Mukhang nakahanap na siya ng katapat niya.

" HAHAHAHA! Chill, masyado kayong hot!" tinaas nito ang dalawang kamay na animong sumusuko.

Loko... palabiro talaga to..

Nang medyo nakalapit na ako ay nalaman kong hindi lang pala isa ang babaeng kausap nila kundi tatlo. Isa doon ay si Gael, at yung babae na nakita ko sa bookstore. Kung hindi ako nagkakamali ay tinawag siya ni Gael na Trix. Ang angas ng pangalan. Yung kaaway naman ni Loyd ay hindi ako pamilyar. Dun ko lang napansin na hindi ito nakauniporme, gayundin yung Trix.

Transferees...

Narinig kong nagpaalam na ang mga ito na aalis, nauna naglakad yung kaaway ni Loyd at tinawag naman ni Trix si Gael, pero napatigil ito nang hawakan siya ni Jinx sa braso. Hindi nagpatinag si Gael at sinabi nitong aalis na sila.

May problema ba si Gael? Bakit niya kami iniiwasan?

Nang nakalapit ako ay kinalabit ko si Jinx. Kasalukuyan pa rin itong nakatingin doon sa mga babae na palabas na ng gymnasium.

" Jinx, Anong meron?" tanong ko.

Bumaling naman samin ang iba pa naming ka-team.

" Ah... Si Gael kakausapin ko sana, mukha kasing iniiwasan niya ko." malungkot nitong tugon.

" Kahit ako den naman. Nagaway ba kayo?" tanong ko. Umiling naman siya.

" Basta. Feeling ko iniilagan niyang magkita kami."

" Because, the feeling is not MUTUAL bro!" singit ni Mark samin. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jinx.

" HAHAHAHA! Just kidding bro. Alam mo naman ang mga babae, bigla na lang magmamaktol at maggagalit- galitan para suyuin nating mga lalaki." kumindat pa ito.

When Hate Turns Into LoveWhere stories live. Discover now