CHAPTER 15

11 2 0
                                    


TRIX'S POV

" Here's your order, Master." ibinaba ko sa tray ang mga pagkaing nakalagay dito at pinatong ito sa ibabaw ng lamesa nila.

Sandali akong natigilan ng may narinig akong parang napupunit na damit. Napatingin ako sa dalawang tukmol na to, pero nakakadiring ngiti lang ang natanggap ko sa kanila.

Tss..

" Enjoy your meal, Master." nakangiwi kong sabi at aakto nang tatalikuran sila ng hawakan ako nung malanding lalaki sa braso kaya napatigil ako.

Hindi na ako nakapagpigil pa kaya marahas kong inalis ang braso ko sa kamay niya na sandali ko lang rin nagawa. Masama ko kung tingnan sila at talaga namang ipinakita kong naiinis na ako sa presensya nila.

" What? Master? Is there anything else?" mariin kong sabi pero hindi ko nilakasan para hindi madistorbo ang ibang nandirito.

Takte naman kasi! Kapit talaga ako ng malas e!

" What's your name?" natatawang tanong ng malanding lalaki.

" It's non of your business, Master." naiirita kong tugon na mas lalong ikinatawa niya at ng kaniyang kasama.

Grabe! Kung wala lang tayo sa Cos. Latte, baka bulagta na kayong dalawa. Tss..

Nakita ko namang pasimpleng hinulog ng lalaking mataba yung hawak niyang tinidor sa sahig. Napataas naman ako ng kilay sa ginawa niya. Talaga namang sinasagad nila ang pasyensya ko. Kung alam niyo lang, gustong-gusto ng lumipad nitong kamao ko dyan sa mga pagmumukha niyo.

" Hey, Miss. Could you please pick that fork for me?" nakangisi nitong sabi.

" Pick it yourself, idiot." nakangiwi kong sabi at tinalikuran na sila.

Nyeta! Di ako tanga para sundin sila no! Wag nilang sabihin saking costumers is always right! Shit! Isaksak nila sa baga yang quote na yan! Ha! Baka kapag kinuha ko pa yung tinidor na yun ay mapatay ko pa silang dalawa! Taena!

Marami nang costumer ang nakatingin sa amin at malamang nakita na rin nila ang ginawa ko pero teka lang! Bakit parang sakin pa ata sila galit? Ano to? Lokohan? Malalim na buntong-hininga na lang ang pinakawalan ko. Siguro hindi nila nakita ang buong pangyayari, sa sobrang malas ko. Yung saking eksena ang nakita lang nila. Nayss.

May mga iilan rin namang, na sa ang tingin ko'y nakita ang lahat na nangyari dahil kung makatingin sila roon sa mga abnormal na yun ay masama. Hindi ko na inintindi pa yun, dahil iniistress ko lang ang sarili ko. Ako na ang magpapasyensya at ako na ang magpapakumbaba, wag lang lumaki pa to. Tutal, wala namang kwenta lahat ng yun.

Napadaan ako malapit sa daan papuntang staff room ng may humatak sa akin sa direksyong iyon. Naman! Ano ba naman to?

Nakatalikod ako sa kaniya, habang siya ay tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya. Sa palagay ko'y lalaki siya dahil medyo may kalakihan ang kaniyang kamay at mukhang may katangkaran ito. Handa na sana akong sikuhin siya ng magsalita ito.

" Trix.. Bibitawan kita, pero wag kang sisigaw." Alam na alam ko kung kaninong boses yun. Tss..

When Hate Turns Into LoveWhere stories live. Discover now