CHAPTER 16

27 0 0
                                    

TRIX'S POV

Pababa na ako ngayon papuntang dining room. Magpapaalam na ako kay mama nang napabaling ako kay Trish na nakakumot sa sofa at nanonood ng T.V.

" Hey! Di ka papasok?" tanong ko sa kaniya. Napaawang naman ang labi niya ng nakita ako at ibinaba ang tasang hawak niya tsaka ngumisi.

" Nah.. Masama pakiramdam ko ate. Hmm.. Ganda mo dyan a!" aniya na nagpakunot ng noo ko.

" Tigilan mo ko, Trish. Di maganda gising ko ngayon." nakangiwing ani ko. Tumawa naman siya ng malakas. Nagtuloy na lang ako sa paglalakad papuntang dining room at nakita si mamang nagluluto ng sinangag.

" Ma! Alis na po ako." kumuha lang ako ng sandwich sa lamesa nang napalingon sa akin si mama ng may gulat.

Ano na naman? Tss..

Nang bumalik siya sa wisyo'y nagsalita ito. " Late ka na, sige ingat ka sa daan a." nakangiting aniya.

Alam kong hindi na ako pipilitin pa ni mama na kumain muna bago umalis. Alam niya rin kasing kapag malapit na akong malate ay hindi na ako nag-aagahan pa.

" Tsk! Ano yan ma? Ewan! Sige na, bye." nakangiti kong tugon at nagmamadaling lumabas sa bahay.

Habang naglalakad ay kain-kain ko ang sandwich. Nang napatingin ako sa wrist watch ko'y nagulantang ako sa oras. Lakad takbo na ang ginawa ko, pero hirap pa din akong maglakad. Kaiinis! Itong palda kong to, ang nagpapahirap sa akin. Kung hindi ako magmamadali, talagang mahuhuli ako sa klase. Kaya wala na akong naging choice kundi ang mabilis na tumakbo. Nakashort naman ako ng black, kaya Ok lang siguro. Shit! Ngayon ko lang gagawin to sa tanang buhay ko! Sinusumpa ko ang bulok na uniform na to! Tsk!

Unti na lang ang mga estudyanteng nadadaanan ko ngayon papuntang school. Yung iba parang nagmomodel pa sa daan, di alin tana ang pagkalate. Habang ako'y nagkandarapa na sa pagtakbo at alam kong magulo na rin ang buhok ko. Maraming napapatingin sa akin, pero wala akong paki sa kanila! Bwesit!

Hingal na hingal akong nakahawak sa locker ko ngayon. Kinuha ko ang mga librong gagamitin namin sa klase mamaya. Agad ko ding inilock ito at nagkandaripas ng takbo papuntang second floor. Narating ko ang classroom ng parang lantang gulay, sumilip muna ako sa bintana kung may teacher na ba. Laking saya ko ng wala pa. Itinali ko muna ang buhok kong magulo na pabun atsaka pumasok sa loob.

Nang isinara ko na ang pinto at humarap na sa mga klasmeyt ko ay napangiwi ako sa mga itsurang sinalubong nila sa akin.

Taena! Lahat na lang ba!

May mga lalaking napanganga, nagulat at nakangisi. Yung mga kababaihan naman ay nakaunot ang noong nakatingin sa akin na animong nagtataka, nagulat at naaasiwa sa itsura ko.

Wag kayong mag-alala, kahit ako den. Nababanas na sa uniporme na to! Tsk!

" Ano? Baka gusto niyong itigil ang kagagaganyan niyo!"

Inis kong sabi na ikinatawa ng mga lalaki at napairap naman ng mga babae. Di ko na lang sila pinansin pa dahil lalong sumasakit ang ulo ko. Dinadagdagan nila ang pagkabwesit ko ngayong araw na to. Nagtuloy ako sa paglalakad at naupo sa upuan ko, mukhang nandito na sina Gael at Yhuv dahil nakalagay na sa upuan nila ang mga gamit ng dalawang tukmol. Baka nagcr lang ang mga yun, si Yhuv pa man din ang kasama ni Gael malamang matatagalan sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Hate Turns Into LoveWhere stories live. Discover now