CHAPTER TEN

36 7 0
                                    

TRIX'S POV

Matagal na kaming naghihintay kay Yhuv dito sa canteen pero mukhang hindi na siya darating pa. Ano naman kaya ang nangyari dun? Malapit na rin magsimula ang klase kaya umakyat na rin kami ni Gael. Sa daan nakita ko si Kei na may kausap na lalaki. Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko. Tss.. Pinagkakalat na kaya nito yung trabaho ko? Dagdag pang-bubully na naman kapag nagkataon.

Nang matapos sila mag-usap nung lalaki ay iniwan na din siya nito at nabaling ang tingin sa akin. Nagtama ang paningin namin kaya daglian ako napaiwas. Hilig nitong tumingin no?

Si Gael na kaninang pasilip-silip sa bawat pasilyo ay napatingin din kay Kei. Nagpalit-palit ang tingin nito sa aming dalawa. Wag mong sabihing nakatingin pa rin tong abnoy na to sakin? Nang lumingon ako sa kaniya, tama nga ako! Nakatingin pa rin siya! Ano bang gusto nito? Tusukin ko na kaya talaga mata nito! Nang tinaasan ko siya ng kilay ay parang wala lang sa kaniya. Kaya si Gael na ang naunang magsalita.

" Hi, Kei. Nakita mo ba si Yhuv?" tanong ni Gael.

" Kanina pa ako nandito, pero wala akong nakitang Yhuv na dumaan dito." sagot ni Kei.

" Ganun ba? Sige salamat." nakangiting wika ni Gael. Tinanguan lang siya ni Kei at lumapit sa akin.

What???¿

Iniabot niya ang isang towel? Teka, towel ko ba to? Pinasadahan ko muna ng tingin itong hawak niya atsaka ko tinanggap.

" Kanina pa kita hinihintay dito, towel mo yan di ba?" tanong nito.

Kanina pa? Sino ba kasing may sabing maghintay ka dyan.

" Mukha nga.. Salamat." tugon ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko. Anong nakakagulat dun?

" Tshh.. Sige, mauna na ako sa inyo." nakangiting wika nito " Ah, Gael. Miss ka na daw pala ni Jinx. Wag mo na siyang iwasan." seryosong sambit nito, napansin ko namang parang namula ang pisngi ni Gael.

" A-ahahaha, Hmm..." yun lang ang naging tugon niya. Halata kasing nabigla ito sa sinabi ni Kei.

Napangisi si Kei at napamulsa ito. " Wag mo kasing isipin ang sinasabi ng iba, di ba Trix?" nakangisi pa rin siya ng tumingin siya sakin.

Nananadya ba to? Tss.. Sinali pa ako sa usapan ng walang hiya.

Pinandilatan ko muna siya ng mata bago sumagot " Yeah.. " nakangisi pa rin ang kupal! Lupet!

" Ano bang sinasabi mo dyan, Kei? Hehehe." pagmama-ang maangan ni Gael.

" Bahala ka ng mag-intindi. Sige, alis na ako." nginitian niya muna kami bago tinalikuran.

Tinuloy na namin ni Gael ang paglalakad.

" Trix, magkakilala pala kayo ni Kei?" ani Gael habang nasa paligid pa rin ang tingin.

" Sort of.. " tugon ko. E kailan ko lang naman nakilala ang lalaking yun.

" Hmm.. WAAHHH!! Masyado ba akong halata kanina?" nabigla ako sa pagsigaw niya. Napatakip naman siya ng mukha.

When Hate Turns Into LoveWhere stories live. Discover now