Day 049

439K 12.4K 3.6K
                                    

11:11pm

Rico: May sasabihin ako sayo

Jhing: Ano? Kamusta ngipin mo?

11:12pm

Rico: Ayun tumigil na sa sakit.

Rico: Pero papadentist ako sa susunod.

Rico: May sasabihin ako sa'yo.

Jhing: Ano nga?

11:14pm

Rico: Gusto ko lang malaman mo na gagawin ko ang lahat

Rico: Upang mapaganda ko ang bawat gabing magkausap tayo. . .

Rico: Sobrang sungit mo man sa akin. . . Alam mo kung bakit?

Jhing: Bakit?

11:16pm

Rico: Wag ka mag reply!

Jhing: Hahahahahaha k.

Rico: Ulit ulit sa umpisa!

Jhing: k

Rico: wag sabi mag reply ehh

Jhing: Oo na!

Rico: :|

Seen 11:19pm

Rico: game

11:20pm

Rico: Gusto ko malaman mo na gagawin ko ang lahat

Rico: Upang mapaganda ko ang bawat gabing magkausap tayo. . .

Rico: Sobrang sungit mo man sa akin. . . Alam mo kung bakit?

Rico: Trip ko lang kausapin ka sa umpisa pero habang tumatagal, nararamdaman ko na ang chemistry nating dalawa.

Rico: Oo, di ba? Parang bagay na bagay personality natin hihi

Seen 11:20pm

11:24pm

Rico: Kita mo naman, ang tagal na nating nag uusap.

Rico: Iwasan mo man ang pagkikita natin at purgahin ng maraming seen alam kong

Rico: Talagang gusto mo ako makausap gabi-gabi hanggang sa madaling araw.

Rico: Ang saya ko dahil ang trip ko dati ang dahilan para makatagpo ako ng babaeng katulad mo.

Seen 11:25pm

11:28pm

Rico: Jhing pramis, hindi ako nagbibiro

Rico: Hindi na ako mapakali at hindi makatulog 

Rico: Iniisip ko na ngang magpunta sa mental pero

Rico: Normal lang naman to di ba?

Rico: Gusto kitang

11:29pm

Rico: Gusto kitang pasalamatan sa pagkakaibigan natin, Jhing.

Seen 11:29pm

11:48pm

Rico: Ano na?

Jhing: Anong ano na?

11:50pm

Rico: Wala kang reply?

Jhing: Sabi mo wag akong magreply

Rico: Eh di magreply ka na!

Rico: Magreply ka na ngayon dali na

Jhing: Anong irereply ko?

Rico: Ewan ko! Yung naiintindihan mo sa mensahe ko? Yung gusto mo sabihin?

11:53pm

Jhing: Uhm...

Jhing: You write poems?

11:55pm

Rico: Hindi yun tula!

11:57pm

Jhing: ?

Jhing: Thanks sa friendship?

Rico: Dali na Jhing. . . 

12:10am

Rico: Nahirapan ako dito

Jhing: Alin ba?

12:14am

Rico: Wala.

Rico: Yung ngipin ko masakit :(

12:35am

Jhing: Ha?

Jhing: Magpadentist ka. Hindi ka kasi nagtutooth brush eh.

Rico: Oo nga hahaha kaya ansakit. Sumakit ngayon hahahahahah sakit :(

Rico: Jhing ang sakit :((((

Rico: :(

12:58am

Rico: Sige na, matutulog na ako. :)

Rico: Gudnayt. :>

1:00am

Jhing: Ok.

Rico: Okay.

1:01am

Rico: Uy ang lakas maka fault in our stars hahaha

1:12am

Jhing: Leche!

Rico: Leche. :">

1:18am

Rico: Ikaw ah gusto mo talaga yung version natin :">

1:20am

Jhing: Akala ko ba masakit ngipin mo!? Matulog ka na!

Rico: Di eh.

1:22am

Jhing: Ha?

Rico: Sakit ng puso ko hahahahahaha

1:23am

Jhing: .____.

Rico: Bagong emoticon yan ah! :D

Rico: Goodnight. :)

Rico: :)

Rico: :(



--

Ang writer ng 23:11 ay si pilosopotasya. Ako. Ako po si Rayne. Babae. @ulaaaann sa twitter. @screenshots.ni.rayne sa ig. Pilosopotasya sa fb page.

23:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon