Day 060

514K 14.4K 10.5K
                                    

11:11pm

Rico: Hi. :)

11:13pm

Jhing: Wow. Bait ah?

Rico: Kamusta ka!!!!

Jhing: Tsk.

Rico: Galit agad hindi pa tayo nakakapag usap?!

11:14pm

Jhing: Pake mo ba?

Rico: Ang sunget T___T

Jhing: Kung wala kang sasabihin wag ka na mag pm kasi mangungulit ka na naman!

11:15pm

Rico: Teka Jhing!

Jhing: Ano?

11:18pm

Rico: hi.

Seen 11:22pm

Rico: Joke lang, may sasabihin ako sa'yo! :(

Seen 11:22pm

Rico: Ikukwento ko lang sayo yung ano. . .nangyari sa akin kaninang umaga.

Seen 11:23pm

Rico: Seen pa rin? :(

Seen 11:24pm

Rico: :(

Seen 11:27pm

Rico: Jhing? :(((

11:30pm

Jhing: Mag kwento ka lang.

Rico: Okay :(

11:35pm

Rico: Kanina late na late na ako sa meeting ko sa isang client. Nag jeep ako tapos medyo masikip na rin. Sasabit na lang sana ako pero napansin ko yung medyo katapat kong babae na nakatingin sa labas. Tulala ata.

11:36pm

Rico: Parang ang lalim ng iniisip.

Rico: Hinihintay ko siyang magsalita para magbayad pero mukhang nagbayad na siya.

Rico: Tapos nung nagbayad ako, nagulat ako kasi tumingin siya sa akin. Nagkatitigan kami!

Jhing: Bakit mo sinasabi to?

11:37pm

Rico: Nagulat ako. Sobra.

Rico: Basta. May masayang part dito. :D

Jhing: Siguraduhin mo lang.

Rico: Yes ma'am!

11:38pm

Jhing: Ok. Continue.

11:39pm

Rico: Nung nagkatinginan kami nung babae, napaiwas ako ng tingin. Hindi ako makatitig kasi sobrang kinakabahan talaga ako. Puta talaga ang gay pero yung puso ko parang gusto na tumalon.

Jhing: Oh? Sayang hindi pa tumalon.

Rico: Oo nga eh, sayang eh di napunta na sana sakanya. :(

23:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon