Day 073

393K 11.9K 5.2K
                                    

11:11pm

Rico: Thank you :)

11:17pm

Jhing: Huh?

Rico: Because you noticed me senpai O///u///O

Jhing: Haha putek ewan ko sayo!

Rico: Ang bakla ba?

Jhing: Sobra.

11:18pm

Jhing: But I like it when you're like that. Carefree. Annoying. Gay.

Rico: Dapat ba akong kiligin dito? :"<

11:19pm

Jhing: Real talk. Kasi hindi lahat ng lalaki kaya yan. Kasi yung iba, pa-gwapo. Pa-badboy. Pa-pogi. Although mas papogi ka sa kanila but you know what I mean? Hindi ka plastic. You use emoticons. You laugh too much. You're too annoying pero that's you. Walang pagpapanggap. Gets mo?

Rico: Explain pa.

Jhing: Inuuto mo ba ako?

Rico: Hindi :(

Rico: Pero explain pa :(

11:20pm

Jhing: Hmm... pasalamat ka mabait ako ngayon.

Jhing: Siguro sa akin lang to but I prefer guys na hindi pabadboy. Mas gusto ko yung umaamin na nanonood ng chick flicks, umiiyak sa mga drama, kinikilig sa mga shoujo manga at hindi nahihiyang sabihin na naku-cute-an sa mga minions. Mas gusto ko yung totoo sa sarili kaysa yung puro angas at "possessiveness" lang ang alam. Imbis kasi na kiligin ako sa papogi, nabubwisit lang ako.

Rico: May pinag huhugutan ka ba?

Jhing: Wala.

Rico: Eh di gusto mo dun sa mga hindi badboy?

Jhing: Yung sakto lang. Yung totoong lalaki. Totoong tao.

Rico: Aaahhh. . .

Rico: Eh di wala kang paki kung hindi maton?

11:22pm

Jhing: Basta hindi mas maganda at mas makinis sa akin.

Rico: Hahahahahahahahahahaha!

Jhing: Mas gusto ko yung lalaking napapatawa ako kaysa lalaking possessive nga, puro pasakit naman ang binibigay sa akin. Humorless na nga ako, puro drama pa ibibigay sa akin?

Rico: Proud moment ko ito

Jhing: Huh?

Rico: Tanggap mong humorless ka (✿◠‿◠)

11:23pm

Jhing: Paksyet

Jhing: ._.

11:44pm

Rico: Alam mo ba?

Jhing: Ano?

Rico: Pinangalanan ko yung dalawang tigyawat ko.

Jhing: What? Nababaliw ka na talaga.

11:45pm

Rico: pakita ko sayo.

Rico: Tenen!! (See attached photo)

Rico: Jhing the human, meet Jhing and Baby Jhing the pimpol.

Rico: Jhing and Baby Jhing the pimpol, meet Jhing the human.

Seen 11:48pm

Jhing: I can't believe this.

Rico: Ako rin hindi ako makapaniwalang matutuwa ako sa mga tigyawat ko :D

Jhing: Ang korni mo nakakainis.

11:49pm

Rico: Nakakainis talaga? Hindi nakakakilig?

Jhing: WAW.

Rico: WAW Kilig :D

Jhing: ._.

11:52pm

Rico: Yung sinabi mo kanina, eh di parang ganun mga type mo sa mga lalaki?

Jhing: Huh?

Rico: Yung sinabi mo kanina.

Jhing: Di ko na maalala.

11:53pm

Rico: Mag scroll up ka!

Jhing: Katamad. Oo na lang.

Rico: Ganun type mo sa lalaki?

Jhing: Oo na nga tumigil ka lang.

11:54pm

Rico: Eh di. . .type mo ako?

Seen 11:55pm

Rico: Seen means yes :">

11:56pm

Rico: Alam mo ba ung kasabihan na "Kapag inlove, may pimple?"

Rico: Dalawa pimpol ko baka sobrang inlove ako? :o

11:59pm

Rico: Goodnight My Seen Queen :D

12:15am

Jhing: Jesus Crux?

Rico: Yes, My Seen Queen?

Seen 12:16am

Rico: Seen?!?!?!? SEEN?!?!? :(

12:30pm

Jhing: Thank you rin.

Rico: Para saan?

Jhing: :)

Rico: 「(゚ペ)



--

Ang writer ng 23:11 ay si pilosopotasya. Ako. Ako po si Rayne. Babae. @ulaaaann sa twitter. @screenshots.ni.rayne sa ig. Pilosopotasya sa fb page.

23:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon