Day 080

402K 13.1K 8.7K
                                    

11:11pm

Rico: Nagtitiwala ka na ba sa akin?

Jhing: huh?

Rico: Kasi ioopen mo na ang buhay mo sa akin.

Jhing: Sinong nagsabi?

Rico: O_O

Rico: ANG DAYA!

11:12pm

Jhing: Haha! :p

Jhing: But I'm an open book. Wala lang sa akin kung sabihin ko kahit kanino ang kwento ko.

Rico: Kahit na. :)

Rico: Masaya ako :)

11:13pm

Jhing: Ayokong masaya ka.

Rico: Malungkot na pala ako :(

Rico: Kwento mo na.

Jhing: Ok, go. Ask the right questions to know the right answers.

11:14pm

Rico: Sino si "him" sa diary mo?

Jhing: Hindi mo kilala.

Rico: Ows?

Jhing: He's a guy from my school. Years ago.

11:15pm

Rico: Ibang lalaki?

Jhing: Bakit? Sino bang akala mo?

Rico: Ako :(

Rico: Akala ko may HD ka sa akin tapos aamin ka na sa akin.

Rico: Pinaasa mo ako Jhing

Rico: o(;△;)o

Seen 11:16pm

Jhing: Ang feeling mo, ha!

Jhing: Not everything in this world is about you, Jesus Crux.

Rico: Hahahahaha :(

Rico: Okay lang. Paasa ka naman talaga.

Jhing: Gago.

11:17pm

Rico: Anong pangalan niya?

Jhing: Bakit kailangan pa malaman?

Rico: Para alam ko kung kaninong pangalan isusulat ko sa death note.

Jhing: Death note?

Rico: Yung notebook sa anime na pag sinulat mo pangalan ng isang tao dun, mamamatay yung tao sa heart attack.

Rico: Pwede rin isulat dun kung paano, kailan at saan mamamatay.

Rico: Resbakan natin. Sinaktan ka niya eh.

11:18pm

Jhing: Haha! he didn't hurt me. I hurt myself.

Rico: Ha?

Jhing: It was a fairytale that never happened. An ending without a happily ever after because of not having a once upon a time.

23:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon