Day 081

377K 13.8K 8.6K
                                    

11:11pm

Rico: Hindi pala masaya magbirthday :(

Jhing: Hm?

Rico: Itanong mo naman kung bakit :(

Jhing: Haha. K. Bakit?

Rico: Nakakapagod maging sikat tapos pagtapos naman ng birthday ko, normal na ulit. Hindi na ako ulit kilala ng mga tao.

Rico: Hashtag EmoDaysWithMJCrux

11:12pm

Jhing: ._.

Jhing: Ano bang nangyari?

Rico: Ayun, nag greet sila sa akin.

Rico: Parang si Joena, yung childhood friend ko. Pinaalala na naman ung ginawa niyang cake sa akin noon. Akala ko chocolate cake, putik pala :(

Jhing: Hahahahahaha!

Rico: Dalawampung taon kong inalis sa isip ko ang lasa ng putik Jhing! Hindi siya madali ( p_q)

Jhing: Then? Ano pa?

11:13pm

Rico: May nag post sa timeline ko, Dalia pangalan, tinawag akong babyboi. Ang haba ng message niya tapos may sinabi siyang "akala nga ng tatay mo girlfriend mo ako nung dinala mo ako sa inyo sa Bulacan."

Jhing: Nagdadala ka ng babae sa bahay niyo?

Rico: Tropa, oo pero hindi ko kilala si Dalia! Hindi nga ako taga Bulacan eh O_O

11:14pm

Rico: Nireplyan ko siya ng "Ms Dalia, wrong timeline ata kayo"

Jhing: Haha! Epic.

Rico: Meron din, isa. Tropa siya ng pinsan ko na kaibigan ko sa fb. Sabi niya, "ang bilis talaga ng panahon parang kahapon 24 ka pa lang tapos ngayon 25 ka na."

Rico: "Nagreply ako Ate Psalm, sabi ko naman sayo wag sisinghot ng listerine na may colgate. Delikado yan eh. Kamusta na health mo?"

Rico: Ang masakit minura pa niya ako sabi niya "Gago ka Jesus!" Eh di nireplyan ko "SUSUMBONG KITA KAY PAPA JESUS!" :(((

11:15pm

Jhing: Bwisit! Bakit kasi ganyan pangalan mo!

Rico: Malay ko sa nanay ko. Pati pala un, binati ako sa timeline.

Jhing: Nanay mo? Anong sabi?

Rico: Hindi ako sanay na sobrang seryoso niya. Isa to sa mga sinabi niya:

Rico: "I am the luckiest and the proudest of all queens because you, Jesus, let me be your mother. I love you and I always will. Happy Birthday, dearest."

Jhing: You have the sweetest Mom, Jesus Crux.

11:16pm

Rico: Sweet na sana kung wala lang yung "From the prettiest mom in the world, Pretty Marie." Ang sinungaling di ba?! Tapos magkatabi lang naman kami nung pinost niya to.

Rico: Minsan nagtataka talaga ako eh. Ako na lang matino sa pamilya namin! :((

Jhing: (-‸ლ)

23:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon