C H A P T E R 1

29 18 34
                                    


             "The real power of a man
       is in the size of the smile
      of the woman
      sitting next to him."

"Hi baby girl..!" Umakbay si Marlon kay Katherine.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa loob ng cafeteria habang hinihintay si Leah dahil may dinaanan pa ang dalaga. Nagre-review siya ng notes para sa papalapit na long exam nila.

"Hoy lalaki seventeen na  ako.Masyado na akong matanda para sa word na BABY. .Tanggalin mo nga yang braso mo, parang bakal ang bigat." Sagot niya at hinawi ang braso ng binata na nakaakbay sa kanya.

Pinagkakatinginan na naman sila.Parang hindi pa siya nasanay, tuwing naka buntot sa kanya ang binata halos lahat ng mata ay nakatutok sa kanila. Kung nakakamatay lang ang pagtitig malamang pinaglalamayan na siya ngayon.

Naririnig pa niya ang mga bulong-bulungan ng mga ito.

Ibinulong pa...eh dinig na dinig ko kaya kayo.!

Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa gandang lalaki nito, Pwede nang mag-artista at magmodel.Matangkad na, maganda ang katawan, pogi, magaling sa basketball at palakaibigan pa.

Halos makalaglag panty pa ang mga ngiti.

Infairnesss mabango kahit pawisin pa rin.

"Sungit mo baby girl ah.. Red days mo ba?"
Nakangising pang-aasar nito at sinundot-sundot pa siya sa tagiliran.

"Tigilan mo nga ako!" Tinapik ang kamay ng binata. "Hindi tayo close no...One week pa lang tayong magkakilala...nanananching ka lang eh."

"Ouch baby girl I'm wounded." Madrama ng sinapo pa nito ang dibdib.

"Ows...?magpapatawag na ba ako ng punerarya?" Tuluyan na siyang napangiti nang sumimangot ang binata.

"Tsk...!Savage mo talaga baby girl...lagi kang may counter-attack  sa mga hirit ko.Buti na lang talaga ang cute mo." Kinurot pa nito ang  pisngi ni niya.

"Aray!..gawin ba naman akong tuta!? Lumayas ka na nga!" Tinulak pa niya si Marlon  pero makulit talaga ito at lalo pang sumiksik sa tabi niya.

"Ayaw!"

"Aaay...anong meron? Maghiwalay nga kayo!" Bungad ni Leah at naupo sa harap nila. "Ang lalandi niyong tingnan."

"Hi Leah!" Bati ni Marlon.

"Hi fafa Marlon! Wala ka bang klase?"

"Meron naman."

"O eh ano pang ginagawa mo dito?Di ba doon sa kabilang building ang Third year department?Naliligaw ka ba o nanliligaw?" Pang-aasar ni Leah sabay ngisi kay Kath.

"Pareho Sana...nanliligaw at paligaw tingin kaso hindi tumatalab ang mga banat ko eh." Sagot nitong seryosong nakatingin sa kanya.

"Ay nagpapa-hard to get lang siguro...di ba sissy Kath?" Nakangisi pa ito dahil alam nitong nakapuntos ito laban sa kanya.

"ha..?..baka hindi ka lang gusto." At masamang tinapunan ang nakangising si Leah.

Kinindatan lang siya ng loka-lokang kaibigan.

Isang Linggo pa lang Simula nang ipakilala sila ni Marcus sa isa't-isa, palagi nang lumalapit ang kambal at nakabuntot lalo na kapag free time ng mga ito.

Minsan sabay silang apat na naglu-lunch.Kahit paano'y parehong masayang kasama ang kambal, parehong masayahin at palatawa.

Parehong third year college ang dalawa, nursing course ang kinukuha ni Marcus at BS Management naman kay Marlon.

Biglang natigilan si Marlon sa sagot niya.

"Your'e hurting me again baby girl.I'm wounded deeply." Sinapo na na man nito ang dibdib at humilig pa sa balikat niya.

Hay nahawa na rin sa pagka drama queen ni Leah.

"Hey guys!what's up!?" Masiglang bati ni Marcus at naupo katabi ni Leah paharap sa kanya.

"Hi gummy bear!...hi Leah.
Hi bro. " Bati nito ulit at naki-fist bump kay Marlon.

"Stop calling me that....I'm not a candy."
"Both of you stop calling me weird names its annoying." Reklamo niya sa kambal habang tinitutukan ang mga ito ng hawak na ballpen.

Ngumisi lang ang binata sa kanya. "Kumain na ba kayo?Gutom na ako." Gusot ang mukhang reklamo nito habang nagpupunas na pawis.

"Palagi kang gutom, saan napupunta mga kinakain mo?" Pang-asar ni Kath.

"Eh di sa gwapong mukhang to.Kitang-kita naman di ba?" Tinuro pa ang mukha.

"Ay grabe ang hangin."

Napasimangot ito at nagsumbong kay Marlon.
"Twin si Kath oh...she's bullying me again."

"Pareho lang tayo bro,.. kanina pa ako durog diyan...bully ka talaga baby girl."
Tinusok na naman nito ang tagiliran niya.

"Halika Marcus lets get something to eat I'm famished too." Aya ni Leah sa binata.

Pagbalik ng dalawa ay puno ang mga tray na hawak ng mga ito.

"May fiesta?" Tanong ni Kath habang inilalapag ng dalawa ang mga dalang pagkain sa tray.

"Kain lang guys...my treat!" Sagot ni Marcus.

Tahimik siyang kumakain ng french fries habang nagre-review pa rin ng notes.Ang tatlong kasama niya sa table ay halatang gutom at busy sa pagkain.

Natapik niya ang kamay ni Marlon ng mahuling dumudukot sa hawak niyang fries.

"Hep hep!that's mine!"

"Hey"
Parang wala lang na kumuha ulit ang binata.
Paborito pa naman niya ang French fries.Kahit yun lang kainin niya sa maghapon hindi siya magsasawa.

Tiningnan niya ng masama ang binata ng makitang dalawang piraso nalang ang natira.

"Ikaw...! Iluwa mo ang mga french fries ko!"
Sinubukang kurutin ang binata pero mabilis itong nakatayo at tumakbo palayo.

"Ayaw!" Parang bata itong nandila at natatawang tumakbo papuntang basketball court.

"Sumakit Sana tiyan mo!"

                                                                                 

Naglalakad palabas ng campus si Kath at Leah nang may humintong kotse sa harap nila.   

"Gummy bear pauwi na ba kayo?" Tanong ni Marcus na nakadungaw sa bintana ng kotse nito.

"ay hindi! Papasok pa lang kami.obvious ba fafa Marcus?" Pamemelosopo ni Leah.

"Come on hop in.Hatid KO na kayo."Aya nito at binuksan ang pinto para sa kanila.

Pareho silang naupo sa passenger set sa likod ni Leah. "Really...you guys? Magmumukha na talaga akong driver ninyo."

"Ginusto mo yan eh." Nakangiting sagot niya sa napapailing na binata.

Nauna nang naihatid si Leah,malapit lang naman talaga ang bahay nito sa campus nila.

"Thank you sa paghatid Marcus."

"You're welcome gummy bear...wala to.Malakas ka kasi sa'kin eh." Nakangiting sagot nito.

Gwapo din si Marcus, pareho silang sweet,makulit ng kambal nitong si Marlon.Kung ang huli ay nakatutok sa basketball at habulin ng mga babae,si Marcus naman medyo mahiyain sa iba pero masipag mag-aral.

"Umuwi ka na nga gutom lang yan." Pag-iiwas niya at iSinara  ang pinto na napapailing. Dinungaw siya ng binata sa bintana, "I mean it.Malakas ka talaga dito." Tinuro pa ang puso.

Nang Hindi siya kumibo ngumiti na lang ito, kumaway at kumindat bago pinaharurot ang kotse palayo.

Chapter 1 done!
Enjoy guys.

Please do vote and share.
Thank you
Luv yuh😘😘



Twelve days before Valentines [On Hold]Where stories live. Discover now