C H A P T E R 14

4 1 0
                                    

" If a drop of rain
falls for each time
you pass my thoughts,
it will be raining forever.😍"

Katherine*

"Na-ospital ka ba talaga sissy?" Seryoso ang mukha ni Leah habang hinihila siyang naglalakad.

Pagkakita nito sa kanya ay hindi na siya tinigilan ng tanong.

"Oo naman, 'andun ka nga araw-araw di ba?Duh!? adik lang sissy?"
Ilang araw muna siyang nagpahinga bago pumasok ulit dahil yun ang bilin ng doctor niya para maka-recover ang katawan niya sa trauma at mga pasang nakuha.

Araw-araw lang siyang dinadalaw ni Leah, Marlon at Marcus para hindi siya ma-bored sa bahay nila.

Si Marcus kahit pinagbabawalang magkiki-kilos ay nakakagawa pa rin ng paraan para pumuslit makapunta lang sa kanila; sa tulong siyempre ng kunsintidor nitong kambal, si Marlon.

"Parang sa bakasyon ka kasi galing, iba talaga ang aura mo today.You look fresh and blooming.Na-abugbog a-trixy ka pa niyan sa lagay na yan ah.?"

"Ganyan talaga kasi tayong magaganda, mabilis ang pagbalik alindog."

"Ay kung sa bagay sissy tama ka. Pero may iba talaga eh.Aaminin ko maganda talaga ako kita mo naman di ba? Pero may kulang talaga.Iba talaga ang glow mo at ang ningning ng mga mata mo.Iba sissy.Epekto ba yan ng dextrose?Ano?Lalaklak ako ng isang drum nun mapantayan ko lang ang ka-diyosahan mo today?"

"Baliw, Hindi eepekto yun kapag wala kang injury kailangan magpasagasa ka muna para sure effective."

"Ay grabe naman yun sissy...aanhin ko pa ang kagandahan kung gutay-gutay naman 'tong katawang-lupa ko.Di bale na lang, kuntento na ako sa ka-diyosahan ko."

"Buti naman.Puro ka tsismis ke aga-aga.Tara na nga.Ilang araw akong absent marami akong lessons na na-miss kailangang bumawi."Siya naman ang humila kay Leah.

"Ay iba din talaga kapag inspired. Tsk!tsk!"

"Gummy bear \baby girl!" Sabay na tawag ni Marcus at Marlon.

"Ay speaking of inspired, ito na pala ang mga dahilan ng paggiging inspired mo." Umirap pa ito sa hangin."Ikaw na talaga."

Pawis na tumakbo palapit sa kanya si Marcus habang nakasunod sj Marlon sa likod nito.

"Bakit ka nandito?Akala ko ba nagpapahinga ka?" Tanong niya kaagad kay Marcus ng makalapit ang mga ito.

Biglang nalungkot ang mukha nito at sinapo ang dibdib. "Aww my gummy bear, ayaw mo ba akong makita?Hindi mo ba ako na-miss?"

"Like duh?Magkasama kaya tayo kahapon lang."

"Hindi mo nga talaga ako na-miss.Kasi ako  minu-minuto namimiss kita." Pagdadrama nito na nakanguso pa.

"Ayan tayo eh.Wag ka ngang mag-puppy eyes fafa Marcus.Mukha kang cute na  shih tzu.At saka hello po, apat tayo dito.Hello ....may iba kayong kasama!Talandi nyo!" Pinanlalakihan pa nito ng mata si Katherine.

"Bitter ka na naman Leah.Saka  ten times more cute ako kesa sa aso no.Sobrang pogi ko naman para ihambing sa shih tzu."

'"Kung ayaw mo 'di sa Bulldog na lang."

"Bakit ka pa pumasok?Di ba sabi ng doctor  mo pahinga ka muna ngayon?Hindi mo na naman sinusunod ang payo ng doctor mo."
Kinuha niya ang panyo sa bag at pinunasan ang pawis nito sa noo at mukha.

Ilan sa mga symptoms ng sakit ni Marcus ay Palaging pagkakaroon ng sipon, ubo at sobrang pagpapawis.Mabilis itong kapitan ng ibang sakit.

"I'm bored sa bahay.Mas okay pa dito nakakapag-aral ako at nakikita pa kita."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Twelve days before Valentines [On Hold]Where stories live. Discover now