C H A P T E R 4

23 17 18
                                    


"It only hurts
when you
start pretending
it doesn't.
"

Ayaw mang aminin ni Kath pero nakaramdam siya ng selos ng makitang magkasama si Trixy at Marlon.Bagay na bagay silang dalawa, parehong sikat sa Campus at magaganda't gwapo pa. Samantalang siya si Ms. Nobody, parang kaunti lang ang nakaka-alam na nag-eexist siya.
May past pa sila, eh siya ilang linggo pa lang silang nagkakilala sila ng binata.At parang close pa ito kay Tita Dianne na masayang nakikipag-chikahan kay Trixy.

Wala...wala tayong laban day...abort! Bago ka pa masaktan.

Maya-maya pa'y iniwan ni Marlon ang ina at Trixy na panay ang tawanan at pumasok sa bahay.

Nawalan na siya ng ganang kumain kaya kinuha niya ang cellphone sa dalang sling bag at nagkunwaring busy sa pagbabasa kahit ang totoo'y wala siyang naiintindihan sa binabasa.

"Gummy bear,I want you to meet our little princess.Si Queenie.Queenie si Ate Kath mo." Pakilala sa kanila ni Marcus na nakaakbay pa sa dalaga.

Maganda ito parang younger version ni Tita Dianne.

"Hi ate Kath!Nice to meet you po."Masayang bati nito at mahigpit na yumakap sa kanya.

"Girlfriend ka po ba ni kuya Marlon?"

"Ah..ha?naku hindi.Friends lang kami."

"Eh sino?si kuya Marcus?

"Malapit na bunso." Nakangising singit ni Marcus.

"Che tumigil ka nga diyan baka maniwala pa tong si Queenie.Wag kang maniwala diyan sissy...Maluwag lang talaga ang turnilyo niyang mga kuya mo.Sana naman wag kang magmamana sa mga yan." Biro niya na ikinatawa ng dalaga.

"Your so pretty po...Gusto Kitang maging ate."

"Gutom lang yan bunso, kumain ka na dun."Pagtataboy ni Marcus.Sumunod naman si Queenie at nagpaalam sa kanya.

"Hi Marcus! Hi Kathy dear..!"

Napa-angat siya ng tingin ng may bumati sa kanya.

"Hi." Sagot niya kay Trixy na ngiting-ngiti sa kanya.

"Kanina ka pa ba dito?"

Kahit nagtataka kung bakit biglang bumait sa kanya si Trixy ay pinilit niyang ngumiti ng casual.

" Hindi naman, kakarating lang namin."

"Oh...who's with you by the way?"

"Marlon invited her since she's our close friend." Singit ni Marcus na halatang diniinan ang salitang 'close friend.'

"Trix!" Tawag ni Marlon na papalapit sa table nila.

"Marlon babe..."Nakangiting salubong ni Trixy at kumapit na naman sa braso ng binata.

Babe? Hmmp! Feeling Embalido kapag malapit si Marlon.Hindi ka nalang kaya  magpakarga.?

"Hinahanap ka ng Mom mo sa loob."

"Okay...halika samahan mo ako please."
"Nice seeing you here Kathy dear."

Ito talaga ang toxic sa environment eh...ang  PLASTIC.

Samahan mo ako please...nag pout pa ng lips.Mukha ka tuloy susong naka matt lipstick.

"Okay pero saglit lang ako, may bisita pa kasi ako." Sagot ni Marlon na nakatingin sa kanya.
Sumenyas pa itong babalik nang papasok na sila sa pinto, na sinagot lang niya ng tango.

Twelve days before Valentines [On Hold]Where stories live. Discover now